Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Capacity: Student LeadershipHalimbawa

Capacity: Student Leadership

ARAW 3 NG 5

Exodo 3:1-12
Tinawag ng Diyos si Moises upang manguna at mamuno sa pagpapalaya ng mga tao mula sa pang-aalipin, ngunit nagdalawang isip si Moises dahil hindi siya naniwala sa kanyang sarili. Hindi niya naisip na siya ay may kakayanan. Nagpatuloy si Moises makipagtalo sa Diyos at ninanis niyang humanap na lamang ang Diyos ng ibang tao. Ngunit, siya ang pinili ng Diyos upang maging pinuno. Bakit? Dahil lamang. Dahil Siya ay Diyos at Siya ay may kakayahang pumili ng sinumang nais Niya. Ito ay hindi dahil sa anumang espesyal mayroon si Moises.

Anu-anong mga bagay ang sa tingin mo ay may kakulangan ka? Anong mga bahagi ng iyong buhay na sa tingin mo ay wala kang kakayahan? Alamin mo ito, gagamitin ka ng Diyos sa mga dakilang mga bagay. Ito ang nais Niya. Hindi mahalaga kung sa tingin mo ay hindi mo kaya o hindi ka mahusay. Kalimutan mo ang iyong mga insecurities at hayaan mong gamitin ka ng Diyos. Nais Niyang ikaw ay manguna at mamuno, ngunit kailangan mo munang tanggapin ang Kanyang tawag. Ngayon, tuklasin ang lahat ng mga bahagi sa iyong sarili na sa tingin mo ay nagkukulang ka. Itaas mo ang mga ito sa Diyos, at manalangin na gagamitin ka ng Diyos sa kabila ng mga iyon. ",,

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Capacity: Student Leadership

Tinawag ka ng Diyos para sa mga dakilang bagay. Hindi lamang kung ikaw ay may edad na, ngunit sa ngayon mismo. Ang planong ito ay upang hikayatin ka at ipakita sa iyo kung paano mamuno sa iyong kinalalagyan sa iyong buhay ngayon. Kayang-kaya at tunay ngang ikaw ay gagamitin ng Diyos sa mga kahanga-hangang paraan. Ang tanong ay hahayaan mo ba Siya?

More

We would like to thank Switch, a ministry LifeChurch.tv, for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv