Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Capacity: Student LeadershipHalimbawa

Capacity: Student Leadership

ARAW 1 NG 5

Mga Taga Efeso 2:10
Kahit na bago ka pa man ipinanganak, ang Diyos ay mayroon ng layunin at plano para sa iyong buhay. Ikaw ay mayroong kabuluhan at halaga sa Kanya kahit bago ka pa man gumawa nang kahit na ano. Nais Niya na gamitin ka upang makamit ang layuning iyon at plano para sa iyong buhay. Simulang tuklasin kung ano ang nais na ipagawa sa iyo ng Panginoon. Ano ang kinahihiligan mo sa iyong buhay? Ano ang nakakapagpanabik sa iyo? Iyon ay maaaring isang hudyat sa iyo patungo sa nais ng Diyos sa iyong buhay.

Gawa 9:1-15
Si Saul ay nagkaroon ng isang kahila-hilakbot na nakaraan. Itinuon niya ang kanyang buhay upang mang-usig ng mga Kristiyano. Subalit ang Diyos ay mayroong plano para sa kanyang buhay. Sa katapusan ay ginamit ng Diyos si Saul, na naging Pablo, upang ipahayag ang mensahe ni Hesus at kalaunan ay siyang kinilala sa pagsusulat ng kalahati ng Bagong Tipan. / Isaisip na ang iyong nakaraan ay hindi nag-aalis ng karapatan sa iyo upang ikaw ay gamitin ng Diyos sa mga kamangha-manghang paraan. Hindi mahalaga kung ano ang iyong pinagdaanan, kung ano ang iyong nagawa, o kung sino ka dati.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Capacity: Student Leadership

Tinawag ka ng Diyos para sa mga dakilang bagay. Hindi lamang kung ikaw ay may edad na, ngunit sa ngayon mismo. Ang planong ito ay upang hikayatin ka at ipakita sa iyo kung paano mamuno sa iyong kinalalagyan sa iyong buhay ngayon. Kayang-kaya at tunay ngang ikaw ay gagamitin ng Diyos sa mga kahanga-hangang paraan. Ang tanong ay hahayaan mo ba Siya?

More

We would like to thank Switch, a ministry LifeChurch.tv, for providing this plan. For more information, please visit: www.lifechurch.tv