Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
Unang Linggo: Ang Hangin at ang mga Alon
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin Mateo 14:22-33.
Ngayon, basahin muli ang mga talatang 22-24 at isipin ang sitwasyong kinalalagyan ng mga disipulo. Isipin mo na ikaw ay naroroon. Ilagay mo ang iyong sarili sa kanilang kinalalagyan. Paano mo ilalarawan ang iyong sitwasyon sa isang kaibigan? Ano kaya ang iisipin o mararamdaman mo?
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Humahampas ang mga alon sa kanilang bangka, ang hangin ay salungat sa kanila at mukhang hindi sila makausad. Ilang oras nang nasa dagat ang mga disipulo. Ang imaheng ito ay isang mahusay na paglalarawan ng ating araw-araw na buhay. Binasa mo ang Mga Awit 46 sa Ikalawang Araw, ngunit pakibasa itong muli, bigyang pansin kung paano nananalangin ang mang-aawit. Sa aling bahagi ng awit na ito mo nakikita ang iyong sarili? Maglaan ng sandali na hilingin sa Diyos na tumatag ang iyong pananampalataya.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang taludtod sa araw na ito. Itago mo ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Mateo 14:31-33
Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi Niya kay Pedro. Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin at sinamba Siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong Kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/