Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
Linggo 1: Ang Hangin at ang mga Alon
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin Mateo 14:22-33
Tingnan kung ano ang sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad sa talata 27. Natakot si Pedro. Isipin mo sandali kung kailan ka natatakot. Kapag ikaw ay nag-iisa? Kapag kailangan maghatid ng hindi magandang balita sa telepono? Kapag iniisip ang pagbabahagi ng Mabuting Balita? Kapag iniisip mong kausapin ang isang tao na nakasakit sa damdamin mo? Habang iniisip mo ang bawat sitwasyon, isipin mo ang mga salita ni Jesus, binigkas nang may pagmamahal, na tila kinakausap ka.
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Paano mo isasapuso ang mga salita ni Jesus? Ikaw ba ay nananampalataya sa Kanya? Ituloy na basahin ang Juan 15:17 sa iyong libreng oras. Makinig kay Jesus habang inihahanda Niya ang Kanyang mga alagad para sa mundo at sa mga pagsubok sa araw-araw na buhay hatid ng pagsunod sa Kanya. Sinasabi Niyang mahal ka Niya! Habang nanalangin, hilingin mo sa Kanya na tulungan kang dalhin ang katotohanan na ito sa iyong puso. Hilingin mo sa Panginoon na ihabi ito sa iyong isip at puso hanggang ito'y maging bahagi na ng iyong pagkatao, upang makatugon ka dahil sa pananampalataya at hindi dahil sa takot ano pa man ang mangyari!
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang talata sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Mateo 14:31-33
Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro. Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin at sinamba Siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila. '

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/