Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
Linggo 1: Ang Hangin at ang mga Alon
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 14:31-33.
MAGNILAY
Ano ang iyong mga pag-aalinlangan? Ano ang iyong mga takot? Naniniwala ka ba na si Jesus ang Anak ng Diyos? Iniibig mo ba ang Panginoon ng buong puso mo, ng buong kaluluwa, ng buong pag-iisip at ng iyong buong lakas? Sabihin mo sa Kanya na gusto mong ipamuhay ang iyong paniniwala. Sabihin mo sa Kanya na tunay na gusto mo Siyang maging Panginoon kahit na natatakot ka. Aaminin mo ba ang lahat ng iyong pag-alinlangan, lahat ng iyong takot, lahat ng iyong kawalan ng pananalig?
Manalangin sa Panginoon gamit ang Awit 41, Awit 42, o Awit 43 at aminin mo ang lahat ng iyong pag-aalinlangan, takot, kawalan ng pananampalataya, o pagmamahal sa sarili sa halip na sa Diyos.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Ipanalangin at pagkatapos ay subukang bigkasin ang Mateo 14:31-33 mula sa iyong pagkakatanda.
Mateo 14:31-33
Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi Niya kay Pedro. Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin at sinamba Siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong Kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila. '

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/