Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 19 NG 88

IKALAWANG LINGGO: PANGINOON, IKAW BA AY NASA BAGYO?

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mangangaral 7:13-14, Isaias 45:7, at Mga Awit 5:4.
Tandaan ang natutunan mo tungkol sa Diyos sa Kanyang pangingibabaw sa lahat.

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Ang Diyos ay Diyos sa lahat ng pamamaraan. Maaari natin Siyang pagkatiwalaan, ang Kanyang kalikasan, at kung ano ang Kanyang pinahihintulutan sa LAHAT ng panahon: Dahil kay Cristo, natamo natin ang isang mana, at itinalaga Niya tayo noong una pa ayon sa layunin Niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa layunin ng Kanyang kalooban" (Efeso 1:11). Minsan kong narinig si Bruce Ware na nagsabing, "Lubos na pinamamahalaan ng Diyos ang mabuti at masama man, ngunit ang Diyos ay lubos na mabuti at wala Siyang anumang kasamaan." Habang pinag-iisipan mo ang salita mula sa Banal na Kasulatan na binasa mo ngayon, basahin ang Job 1:6-12. Pagkatapos, manalangin at dalhin mo ang lahat ng iyong binasa sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang pinagtutuunang taludtod sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Deuteronomio 32:39
Alamin ninyong Ako ang Diyos, Oo, Ako lamang, maliban sa Akin ay wala nang iba pa; Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay, Ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman; Wala nang makakapigil, anuman ang Aking gawin.
Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/