Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 21 NG 88

IKALAWANG LINGGO: PANGINOON, IKAW BA AY NASA BAGYO?

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mga Panaghoy 3:1-20.

Ano ang naririnig ninyong sinasabi ni Jeremias tungkol sa Diyos? Ano ang inyong napapansin sa taludtod na ito? Talaga bang inginudngod ng Diyos ang ngipin niya sa graba upang siya ay yumukod sa abo? Paano magiging totoo ang mga bagay na ito? Basahin pa ang sumusunod na Mga Panaghoy 3:21-66. Naririnig mo ba ang pag-asa ni Jeremias sa Diyos? Naririnig ba ninyo ang kanyang pagkaunawa?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Ipinapakita ni Jeremias na wala nang natitira sa lupain kundi pagkawasak—ang templo ay wasak na, ang kasunduan ng Diyos ay tila napawalang-saysay, kaya ang lahat ng pag-asa para sa kaligtasan ay wala na. Subalit nananatili pa ang pag-asa—hangga't ang mga tao ay patuloy na hahangarin ang Diyos nang may totoong pagsisisi at pananampalataya, ay patuloy si Jeremias sa pagsunod sa pagkatawag sa Kanya. Kailangang lagi tayong nakatingin sa Diyos sa lahat ng pagkakataon, sapagkat batid nating ang Diyos ay Diyos, ang Diyos ay mabuti sa lahat ng panahon, at ang Kanyang mga layunin ay tama. Ipinangako Niyang hindi Niya tayo kailanman iiwan ni pababayaan. Paniniwalaan ba natin ang mga katotohanang ito at mapagkumbabang magpapasakop sa ilalim ng Kanyang makapangyarihang kamay?

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang pinagtutuunang bersikulo sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Deuteronomio 32:39
Alamin ninyong Ako ang Diyos, Oo, Ako lamang, maliban sa Akin ay wala nang iba pa. Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay, Ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman. Wala nang makakapigil, anuman ang Aking gawin.
Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/