Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
IKALAWANG LINGGO: PANGINOON, IKAW BA AY NASA BAGYO?
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mga Taga-Efeso 1:11 at ang Mga Gawa 4:23-31.
Minsan ba ay naiisip mo sa sarili mo, Gaano pa katagal, Panginoon? Talaga bang kailangan ito, Panginoon? Mapagtatagumpayan ko ba ito? Habang nagbabasa ka, hilingin mo sa Panginoon na bigyan ka ng Kanyang biyaya at kahabagan at tanggalin Niya ang iyong pagiging makasarili at makataong paraan ng pag-iisip. Hilingin mo sa Panginoong bigyan ka ng pananampalatayang nagsasabi sa Kanyang, "Ikaw ang masunod sa buhay ko, Panginoon."
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Gawin nating panalangin ang mga salita sa Mga Gawa 4:29-31: anuman ang kahihinatnan at gaano man kalaki ang takot na ating nararamdaman, anuman ang nakikita natin, patuloy tayong lalakad sa pamamagitan ng Banal na Espiritu nang may pananampalataya at walang takot! Bumaling sa Panginoon at umiyak sa Kanya. Hilingin mo sa Kanyang gawin ang bagay na tanging Siya lamang ang makagagawa, ngunit hilingin mo rin sa Kanya na tulungan kang gawin ang kailangan mong gawin—ang mabuhay sa pananampalataya, at hindi sa takot.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang pinagtutuunang bersikulo sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Deuteronomio 32:39
Alamin ninyong Ako ang Diyos, Oo, Ako lamang, maliban sa Akin ay wala nang iba pa. Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay, Ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman. Wala nang makakapigil, anuman ang Aking gawin

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/