Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 12 NG 88

Unang Linggo: Ang Hangin at ang mga Alon

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 14:22-33

Basahing muli ang mga talata 28-33. Ang mga mata ng mga alagad ay nabuksan nang panibago. Ano sa palagay mo ang kanilang nakita? Ano ang iyong nakita?

Tumigil ang hangin nang sumakay sa bangka sina Jesus at Pedro. Kapag nasa gitna tayo ng unos, maaari nating madama na wala tayong kontrol sa lahat, pero alam natin ang sinasabi ng Salita ng Diyos na ang Diyos ang Panginoon ng lahat at Panginoon ng lahat ng nilalang. Siya ang Panginoon ng hangin at ng mga alon. Siya ang naghahari! Sa lahat! Sa lahat-lahat! Maaari kang magtiwala sa Kanyang pag-ibig, sa Kanyang pangangalaga, sa Kanyang kalinga, at sa Kanyang kapangyarihan sa gitna ng matinding unos! Namumuhay ka ba nang naaayon dito?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Naniniwala ka ba na si Jesus ang Anak ng Diyos? Kung Siya ay Diyos, at Panginoon ng lahat, pinaglilingkuran mo ba Siya bilang Panginoon ng lahat? Basahin ang Marcos 12:28-37 at pagnilayan ito. Si Jesus ba ay tunay na Panginoon para sa iyo?

Nang tanungin si Jesus ng mga eskriba kung aling kautusan ang pinakamahalaga sa lahat, paano Siya sumagot? Maaari mo bang sabihin na ito ay totoo sa iyo? Totoo ba ito sa iyong pamumuhay? Ang ating mga kilos ay higit na nagpapahiwatig ng ating paniniwala kaysa sa ating sinasabi. Sa iyong pagdarasal ngayon, hilingin mo sa Panginoon na ito nawa ang mangyari sa iyong buhay.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang bersikulo para sa araw na ito. Iyo itong isapuso, pagnilayan, at gawing panalangin sa maghapon.

Mateo 14:31-33
Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba Siya ng mga nasa bangka. "Tunay nga pong Kayo ang Anak ng Diyos!" sabi nila.
Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/