Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
Linggo 1: Ang Hangin at ang mga Alon
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 14:22-33
Ayaw ng mga disipulo na umalis at sumakay sa bangka. Hindi nila naintindihan kung bakit sila pinapaalis ni Jesus. At ngayon nakita nila ang kanilang mga sarili sa gitna ng matinding unos at wala Siya. Alalahanin mo ang panahon na hindi mo naintindihan kung bakit pinapayagan ng Diyos na mangyari ang mga bagay.
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Dahil si Jesus ay totoong Diyos at totoong tao, alam Niya ang Kanyang ginagawang pagpapasuong sa mga disipulo sa bagyo at sa isang napakahirap na sitwasyon. Ikaw ba ay nasa isang unos o nasa isang mahirap na sitwasyon ngayon? May kakilala ka ba na nasa ganitong sitwasyon? Ano ang lubos na nakakapagpapagulo ng isip mo tungkol sa sitwasyong ito? Naisip mo ba na hindi ka hahayaang sumugod sa unos kundi maaaring ipinadala ka rito mismo? Dalhin mo ang iyong isipan at nararamdaman sa Panginoon habang binabasa mo ang Mga Awit 40.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang taludtod sa araw na ito. Itago mo ito sa iyong puso, pagnilay-nilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Mateo 14:31-33
Agad siyang inabot ni Jesus. “Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!” sabi niya kay Pedro. Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin at sinamba Siya ng mga nasa bangka. “Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila. '

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/