Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 45 NG 88

IKA-APAT NA LINGGO: ANG PAG-AKYAT SA BUNDOK

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 14:23-5.

Nakita natin na si Jesus ay umakyat ng bundok upang mapag-isa kasama ang Kanyang Ama. Gaano katagal Siyang nasa bundok? Gaano katagal ang ginugugol mong oras kasama ang Panginoon sa iyong pagbabasa ng Biblia, pananalangin, at pakikinig?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Kailangan nating lumayo sa mga "bagay na makamundo" araw-araw upang mamuhay tayo nang may "makalangit" na pananaw. Kailangan nating umakyat sa bundok sa simula ng ating araw upang makapamuhay tayo sa buong araw—sa gitna ng mga pagsubok at mga pangyayari-habang ang ating isipan ay nakatuon sa pang-walang hanggang layunin sa bawat sandali. Gusto nating gamitin sa pinakamainam ang ating oras, "sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon" (Mga Taga-Efeso 5:16).

Anong plano mo upang makapaglaan ka ng oras kasama ang Diyos na Kataas-taasan-- kasama ang iyong Ama sa langit—ang lumikha ng sandaigdig? Paano kang makatitiyak na makakapaglaan ka ng oras kasama Siya upang marinig mo Siya at makita mo ang mga bagay-bagay ayon sa Kanyang pananaw sa halip na sa makamundo at makataong pananaw? Wala tayong magagawa sa ating sariling lakas lamang, ngunit dapat nating sundin ang pinakamahalagang utos na mahalin Siya ng ating buong puso, buong kaluluwa, at ng ating buong kalakasan. Habang tayo ay tumatalima sa pagsunod sa pamamagitan ng pananampalataya, gagawin Niyang posible ang lahat.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Deuteronomio 6:4-6
Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos Niya ay itanim ninyo sa inyong puso.
Araw 44Araw 46

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/