Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 47 NG 88

IKA-APAT NA LINGGO: ANG PAG-AKYAT SA BUNDOK

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Lucas 6:12.

Gaano kahabang oras ang ginugugol ni Jesus sa panalangin? Gaano kahabang oras ang ginugugol mo sa panalangin? Sino ang ipinapanalangin mo? Kailangan mo bang iwasto, baguhin, o gumawa ng isang talaan ng panalangin? Mabuti bang may isang talaan lamang para sa lahat ng araw o isang talaan para sa bawat araw?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Bulay-bulayin ang taludtod mula sa Banal na Kasulatang nais mong ipanalangin para sa iyo, sa iyong pamilya, sa iyong asawa, sa iyong mga anak, sa iyong mga kaibigan, sa iyong mga kasamahan sa trabaho. Sinong nangangailangang makarinig ng Ebanghelyo? Sinong nangangailangang MAKITA ang Ebanghelyo? Sinong kailangan mong abutin? Ang panalangin ang naglalatag ng pundasyon para sa Ebanghelyo. Magsulat ng isang talaan ng panalangin kung wala ka pa nito at ipanalangin mo ito.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Deuteronomio 6:4-6
Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos Niya ay itanim ninyo sa inyong puso.
Araw 46Araw 48

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/