Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
![Fearless: A Six-Week Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F333%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
IKA-APAT NA LINGGO: ANG PAG-AKYAT SA BUNDOK
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 6:7-13.
Ipanalangin ang panalangin ng Panginoon at habang ginagawa mo ito, pag-isipan mo ang mga bagay na natutunan mo sa mga nakaraang linggo. Ano ang ipinahayag sa iyo ng Panginoon sa Kanyang salita? Ano ang ipinapakita Niya sa iyo?
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Nasaan ang iyong Ama? Naipapakita mo ba sa buhay mong Siya ang iyong Ama? Ang iyong pinakamamahal? Ang LAHAT LAHAT sa iyo, ang pangalang itinataas at pinararangalan nang higit sa lahat? Gaano kadalas bang ninanais ng mga taong maging sikat ang kanilang pangalan? Saang kaharian ba tayo nabibilang? Kaninong kalooban ba ang nararapat nating tinutupad sa ating araw—sa atin o sa Diyos? Ano ang mga kailangan mong isaayos upang maipanalangin mo ang panalanging ito nang may katapatan? Basahin o bigkasin ang panalangin ng Panginoon nang malakas.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Deuteronomio 6:4-6
Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos Niya ay itanim ninyo sa inyong puso.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Fearless: A Six-Week Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F333%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/