Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
![Fearless: A Six-Week Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F333%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
IKA-APAT NA LINGGO: ANG PAG-AKYAT SA BUNDOK
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Nehemias 1:4-11 at Nehemias 9:5-38.
Habang ikaw ay nananalangin, maaari mo bang usalin ang panalangin ni Nehemias para sa iyong sarili, sa iyong pamilya, sa iyong simbahan, sa iyong bayan, at sa lahat ng mananampalataya sa iyong bansa? Ano ang mga naiisip mo habang ikaw ay nananalangin?
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Mag-isip...huminto sandali at mag-isip. Itanong, namumuhay ba ko sa katotohanan? Lumalakad ba ako sa katotohanan? Ang katotohanan ba ang Diyos ko, o ang nararamdaman ko? Paniniwalaan ko ba ang aking nararamdaman, mananangan ba ako sa sarili kong kaalaman, o maniniwala ba ako sa Diyos at sa Kanyang salita? "Pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran" (Josue 24:15).
Sandali mong pagbulayan ang iyong mga napag-aralan at pinagnilayan sa mga nagdaang linggo. Paano kang mabubuhay nang may banal na takot sa Panginoon? Bakit isang pagpapalang malaman mo ang iyong mga kahinaan? Anong ibig sabihin ng lumakad sa katotohanan, ng umakyat sa bundok? Paanong makakatulong ang lahat ng ito sa iyong mabuhay sa pananampalataya kapag ikaw ay nahaharap sa takot? Hilingin mo sa Panginoon na bigyan ka ng higit na kaunawaan sa mga susunod na linggo. Ano ang nais Niyang gawin mo sa mga napag-aralan mo? Ano ang kailangang mabago sa paraan ng iyong pag-iisip, pagkilos, pagtugon, o paggawa ng talaan para sa iyong buong linggo? Mayroon bang Salita ang Diyos na nais Niyang isapuso mo? Paano mo itong maisasakatuparan? Dalhin mong lahat ito sa Panginoon sa iyong panalangin.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Bigkasin ang Deuteronomio 6:4-6 ayon sa iyong pagkakasaulo.
Deuteronomio 6:4-6
Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos Niya ay itanim ninyo sa inyong puso.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Fearless: A Six-Week Journey](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F333%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/