Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 58 NG 88

IKA-LIMANG LINGGO: PAGKATAKOT SA DIYOS

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Josue 1. Ano ang mga iniutos ng Diyos kay Josue? Si Josue ay isang larawan ni Cristo. Tayo ay na kay Cristo. Paano tayo magpapatuloy?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Muni-muniin kung anong ibig sabihin na ikaw ay pinili ng Diyos para sa isang layunin na higit pa sa sarili mong layunin. Nakikita mo ba ang sarili mong isa sa Kanyang pinili? Iniisip mo ba ang katotohanang pinili ka Niya para maging sugo Niya bago pa man nabuo ang mundo? Ang Kanyang saserdote? Muni-muniin kung anong ibig sabihin ng angkinin o mamuhay ayon sa kung anong ibinigay sa iyo. Dahil sa kaalaman mo sa pagkatawag ng Diyos sa buhay mo, paano kang makapagpapatuloy nang walang takot? Sino ang iyong dakilang mana, ayon sa Mga Taga-Galacia 2:20?

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili ang pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago mo ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Mga Taga-Galacia 2:20
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako ay nabubuhay pa sa katawang-lupa, Mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.
Araw 57Araw 59

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/