Fearless: A Six-Week Journey Halimbawa

Ika-Limang Linggo: Pagkatakot sa Diyos
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Josue 4:19-24.
Anong mga dakilang gawa ang isinakatuparan ng Panginoon sa iyong paningin? Anong mga dakilang gawa ang naitala sa Kanyang salita? Mag-isip ng tatlong halimbawa sa iyong buhay at, kung pamilyar ka sa salita ng Diyos, mag-isip ka rin ng tatlong dakilang gawa ng Diyos na nakatala sa Biblia.
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Anong kailangan mong gawin upang matulungan kang maalala ang mga dakila at makapangyarihang gawa ng Panginoon? Nang makatagpo niya sa Goliath, naalala ni David kung paanong nakipaglaban ang Diyos sa leon at oso para sa kanyang kapakanan. Mabuting maitala ang mga dakilang tagumpay ng Diyos at matandaan sila sa anumang paraan. Isulat ang mga ito sa iyong puso at maaaring maitala mo ito sa iyong Biblia sa ibang panahon. Maaari kang maglagay ng larawan sa isang kwadro na magpapaalala sa iyo kung paanong kumilos sa isang makapangyarihang paraan ang Diyos para sa iyong kapakanan. Pag-isipan mo itong mabuti. Ibahagi ito sa iyong pamilya habang naghahapunan kayo o kaya naman ay sa kaibigan mo habang kumakain kayo. Gumawa ng tuluy-tuloy na tala sa iyong puso at sa iyong isip. Ibahagi at laging alalahanin ang mga pangyayaring ito.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili ang pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago mo ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Mga Taga-Galacia 2:20
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako ay nabubuhay pa sa katawang-lupa, Mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Learn how to move beyond the fear that overwhelms you and holds you back in your faith and enjoy a whole new life of freedom, fearlessness, and effectiveness in your life and witness! Ideal for busy moms, single women, and college students.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga Debosyonal

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Pakikinig sa Diyos

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Buhay Si Jesus!