Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
IKA-APAT NA LINGGO: PAG-AKYAT SA BUNDOK
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Deuteronomio 6:4-9 at ang Marcos 12:29-31. Pansinin ang mga kautusan sa mga bersikulong ito.
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Walang may kakayanang magmahal sa Diyos kung wala ang tulong ng Diyos at ang Kanyang biyaya. Ang Diyos ang lumikha sa ating mga puso. Hindi ito isang bagay na kaya nating buuin mula sa ating kaloob-looban. Ang pag-ibig ng Diyos ay nagmula sa Diyos. Kailangan nating aminin na hindi natin kaya at manawagan sa Kanya upang Siya ang maglagay ng pagnanasa sa ating mga puso. Hilingin mo sa Diyos na ibigay Niya sa iyo ang Kanyang pag-ibig. Hilingin mo sa Kanyang bigyan ka ng kakayanang mahalin Siya ng buong puso, buong kaluluwa, at buong kalakasan! At ang kakayahang mahalin ang ibang tao! "O Panginoon, bigyan mo ako ng pusong nananabik sa Iyo at ng pusong nais maglingkod sa iba!"
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Deuteronomio 6:4-6
Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang mga utos Niya'y itanim ninyo sa inyong puso.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/