Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa
IKATLONG LINGGO: O PANGINOON, AKO AY MAHINA
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mga Awit 103.
Sa pagbabasa mo nito nang ikalawang beses ngayong linggo, pagnilayan mo ang lahat ng napag-aralan mo at humingi ka ng tulong sa ating Panginoon. Hilingin mo sa Kanyang bigyan ka ng pusong nagpapasalamat na kayang sabihin mula sa kaibuturan ng iyong katauhan, "Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa! At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa Kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan Niya!" (Mga Awit 103:1).
LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Huminto sandali at mag-isip. Tanungin mo, ako ba ay namumuhay sa katotohanan? Ako ba ay lumalakad sa katotohanan? Ang Katotohanan ba ang Panginoon ko, o ang aking damdamin? Ako ba ay magiging bihag ng aking damdamin, aasa sa aking sariling pananaw, o paniniwalaan ko ba ang Diyos at ang Kanyang salita? "Pumili ka ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran" (Josue 24:15).
Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng higit na kaunawaan sa mga susunod na linggo. Ano ang nais Niyang gawin mo sa mga napag-aralan mo? Ano ang kailangang mabago sa paraan ng iyong pag-iisip, pagkilos, pagtugon, o paggawa ng talaan para sa iyong buong linggo? Mayroon bang Salita ang Diyos na nais Niyang isapuso mo? Paano mo itong maisasakatuparan? Dalhin mong lahat ito sa Panginoon sa iyong panalangin.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Bigkasin ang Mateo 5:3-5 mula sa iyong pagkaka-alala.
Mateo 5:3-5
Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/