Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kapayapaan ng DiyosHalimbawa

God's Peace

ARAW 4 NG 4

ANG MALAKAS NA PANANAMPALATAYA AY NAGDADALA NG KAPAYAPAAN

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Matatag, hindi nagbabago, tapat, hindi natitinag, naaasahan, hindi nagmamaliw — ang mga katagang ito ay naglalarawan kung sino ang Diyos. Sabihin mo sa Diyos sa pananalangin kung gaano mo Siya pinahahalagahan dahil sa mga katangian Niyang ito.

PAGSASAGAWA
Maghanda ng dalawang mababaw na baking pans at punuin ang mga ito ng buhangin: ang isa ay medyo basa at siniksik na buhangin, ang isa naman ay tuyo at buhaghag na buhangin. Magpagulong ng isang laruang kotse o holen sa bawat uri ng buhangin. Ang layunin ay makita kung saang uri ng buhangin mas makakalayo ang bagay na pinagulong.

PALALIMIN PA
Kung paanong mas madaling magpagulong ng mga bagay sa matatag na buhangin, mas madali rin para sa iyo na pagdaanan ang magaganda at mga pangit na bagay sa buhay kapag matatag ang iyong pananampalataya. Sabi sa Mga Awit 29:11, "Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay." Ngunit kapag hindi ka nagtitiwala sa Diyos, ang pananampalataya mo ay tila buhaghag na buhangin; lulubog at mahihirapan kang pagdaanan ang mahihirap na bahagi ng iyong buhay. Kaya nga't kailangan mong manalangin sa Diyos na mapalapit ka pang lalo sa Kanya at maitatag ang pananampalataya mo sa Kanya.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T ISA
-Isalaysay ang isang panahon kung kailan lumago ang iyong pananampalataya. Anong nakatulong sa iyo upang lumago ang iyong pananampalataya?
- Paano mo naranasan ang kapayapaan ng Diyos? Anong naramdaman mo?
- Ang Diyos ang may-akda ng kapayapaan at ng lahat ng mabubuting bagay. Humiling ka na ba sa Kanya ng higit pang pananampalataya? Hiniling mo na ba sa Kanya ang Kanyang kapayapaan?

Banal na Kasulatan

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

God's Peace

Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos na Siya ay nag-aalok ng kapayapaan na "hindi kayang maunawaan ng tao" (Mga Taga-Filipos 4:7 RTPV05). Sa 4 na araw na araling ito, maingat ninyong titingnan ng iyong mga anak ang mga bahagi ng ating buhay kung saan maaari nating maranasan ang kapayapaan. Ang bawat araw ay may kasamang hudyat sa panalangin, maikling babasahin mula sa Banal na Kasulatan at paliwanag tungkol dito, hands-on activity, at mga katanungan para sa talakayan.

More

We would like to thank Focus on the Family for providing this plan. For more information, please visit: www.FocusontheFamily.com