Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kapayapaan ng DiyosHalimbawa

God's Peace

ARAW 1 NG 4

KAPAYAPAAN SA KALIGTASAN

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Anong mga bagay ang nakapagpapanatili sa iyong ligtas bawat araw? Ang pagiging ligtas ay nagbibigay ng damdamin ng kapayapaan. Pasalamatan ang Diyos para sa mga bagay na nagpapanatili sa iyong ligtas — mga seat belts, mga kandado sa pintuan, mga magulang, mga pulis, mga bumbero at maging ang mga alarma ng usok.

PAG-ISIPAN
Sino o ano ang maaaring humiyaw kung sakaling masunog mo ang iyong nilulutong pagkain? (ikaw, nanay o tatay mo at ang alarma sa usok)

PALALIMIN PA
Noong mga unang panahon, nagbibigay babala ang mga tao tungkol sa isang sunog sa pamamgitan nang pagpapaikot ng isang kalansing na kahoy sa kalsada. Kaya lang, paminsan hindi naririnig ng mga taong natutulog ang kalansing. Ngayon, ang mga bahay at ibang mga gusali ay may maliliit na aparatong plastik na de baterya na nagbibigay ng babala kapag may sunog. Payapa kang makakatulog at hindi kailangang mag-aalala na hindi mo maririnig ang kalansing sa kalsada. Binibigyan ka naman ng Diyos ng lalong mabuting uri ng kapayapaan na tumutulong upang magkaroon ka ng damdaming ligtas sa lahat ng panahon. Sinabi ni Jesus sa Juan 14:27 ang, "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot."

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T ISA
- Anong mga bagay ang kinatatakutan mo?
- Kapag ikaw ay natatakot, paano mo maaalalang nais kang bigyan ng Diyos ng Kanyang kapayapaan?
- Paano mo lalong matatamasa ang kapayapaan ng Diyos sa araw na ito?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

God's Peace

Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos na Siya ay nag-aalok ng kapayapaan na "hindi kayang maunawaan ng tao" (Mga Taga-Filipos 4:7 RTPV05). Sa 4 na araw na araling ito, maingat ninyong titingnan ng iyong mga anak ang mga bahagi ng ating buhay kung saan maaari nating maranasan ang kapayapaan. Ang bawat araw ay may kasamang hudyat sa panalangin, maikling babasahin mula sa Banal na Kasulatan at paliwanag tungkol dito, hands-on activity, at mga katanungan para sa talakayan.

More

We would like to thank Focus on the Family for providing this plan. For more information, please visit: www.FocusontheFamily.com