Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kapayapaan ng DiyosHalimbawa

God's Peace

ARAW 2 NG 4

KAPAYAPAAN SA PAMAMAGITAN NG PAGSUNOD SA MGA ALITUNTUNIN NG DIYOS

PAKIKIPAG-USAP SA DIYOS
Sabihin mo sa Diyos kung ano ang kinagigiliwan mo sa Kanyang Salita, ang Biblia. Sabihin mo sa Kanya kung bakit gusto mo ang isang taludtod o kuwento, at pasalamatan mo Siya para rito.

PAGSASAGAWA
Malapit lang sa kinatatayuan ng iyong ina o ama, subukan mong lumakad suot ang sapatos na pang-niyebe, sapatos na panlangoy o sapatos na sobrang laki para sa iyo. Gaano kaya kalayo ang mararating mo nang hindi ka mabubuwal o gumewang-gewang? Sa palagay mo ba ay magandang ideyang magkaroon ng alituntunin na bawal magsuot ng ganitong mga sapatos sa loob ng bahay? Ipaliwanag.

PALALIMIN PA
Pagtuunan ng pansin ang Mga Awit 119:165: "Ang magmahal sa utos mo'y mapayapa yaong buhay, matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal." Nangangako ang Diyos ng lubusan at saganang kapayapaan kapag ginagawa mo ang sinasabi ng Kanyang Salita. Ang pagsunod sa mga alituntunin ng Diyos ay nakakatulong upang mabawasan ang iyong mga pagkakamali, at hindi mo na kailangang mag-alala na "mabubuwal" o masasaktan ka dahil sa mga maling pasya. Ang mabuhay ayon sa Salita ng Diyos ay nagbibigay-daan upang ang Kanyang kapayapaan ay maghari sa iyong puso. Whew! Upang mapaalalahanan tungkol sa sinasabi ng Salita ng Diyos, balik-aralan ang Mga Awit 18:30, 19:8, 33:4.

PAKIKIPAG-USAP SA ISA'T ISA
- Mag-isip ng isang alituntuning sinusunod mo, tulad ng pagtawid sa tamang tawiran o ang hindi pagtakbo sa pasilyo ng paaralan. Mas malamang ka bang masaktan kapag sumusunod ka sa mga alituntunin o kapag hindi mo sinusunod ang mga ito? Ipaliwanag.
- Kailan ka naranasang magkaroon ng kapayapaan dahil sa pagsunod mo sa Salita ng Diyos?
- Paano mo makakamtan muli ang kapayapaan ng Diyos pagkatapos mong magkamali?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

God's Peace

Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos na Siya ay nag-aalok ng kapayapaan na "hindi kayang maunawaan ng tao" (Mga Taga-Filipos 4:7 RTPV05). Sa 4 na araw na araling ito, maingat ninyong titingnan ng iyong mga anak ang mga bahagi ng ating buhay kung saan maaari nating maranasan ang kapayapaan. Ang bawat araw ay may kasamang hudyat sa panalangin, maikling babasahin mula sa Banal na Kasulatan at paliwanag tungkol dito, hands-on activity, at mga katanungan para sa talakayan.

More

We would like to thank Focus on the Family for providing this plan. For more information, please visit: www.FocusontheFamily.com