Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

ARAW 4 NG 7

Matutong maglingkod

Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya (Kawikaan 23:7a)

Si Edmond ay nanumpa na siya at ang kanyang pamilya ay hindi kailanman mawawalan ng tirahan. Ngunit hindi nagtagal, nawalan siya ng trabaho, at pagkatapos ay nasunog ang kanilang bahay. Bigla silang nawalan ng tirahan. Ang tanging pagpipilian nila ay isang bahay-kanlungan.

Sa pagtatapos ng kanilang unang araw doon, ang panalangin ni Edmond ay, "Panginoon, alisin mo ako rito." Ang kanyang saloobin ay negatibo. Sa kanyang opinyon, ang mga patakaran sa bahay-kanlungan ay isang insulto. Kinailangang ihatid ang mga residente sa kabilang kalye patungo sa mission hall para sa pagkain. Kinailangan nilang dumalo sa simbahan na tumutulong sa bahay-kanlungan. Kapag nakahanap ng trabaho ang mga residente, inaasahang magtatabi sila ng 70% ng kanilang suweldo bilang paghahanda sa araw kung kailan sila makakaalis sa shelter.

Matapos ibuhos ang lahat ng kanyang mga reklamo sa direktor ng bahay-kanlungan, hindi mapakali si Edmond noong gabi. Napagtanto niya na itinuon niya ang kanyang atensyon sa pag-alis sa halip na magtuon ng pansin kung ano ang maaari niyang gawin upang mapadali ang mga bagay para sa kanyang pamilya. Noong gabing iyon, nagbago ang kaisipan niya. Nagsimula siya sa pamamagitan ng pagdadala ng isang basong tubig sa lalaking umuubo sa katabing silid.

Pagkaraan ng siyam na buwan, muling nagmay-ari ng bahay si Edmond at ang kanyang pamilya. Ngunit hindi niya nakalimutan ang kanyang natutuhan. Bumisita pa rin siya sa bahay-kanlungan at sinabing, “Kung nasaan ka man, nandiyan ang Diyos.” Ang ating saloobin, at hindi ang mga pangyayari, ang gumagawa ng tunay na pagbabago ng buhay.

Ang tamang pag-iisip ay maaaring magdala sa iyo sa isang mas mahusay na kalagayan sa buhay.

Pagninilay: Kung palagi nating nararamdaman na ang buhay ng ibang tao ay mas mabuti, mas masuwerte, at ginagawa nating miserable ang ating buhay, at nagdurusa sa mga walang kwentang bagay dahil hindi natin alam ang totoo. Kaya naman, magpasalamat sa mga regalo ng Diyos para sa ating buhay at maging masaya kasama Siya.

Ang kagalakan ay nagmumula sa Diyos, at ang kagalakan ay hindi maaaring maimpluwensiyahan ng kung anuman na nasa labas mo.

(Henry Blackaby)

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

Bilang tao nais nating ang ating buhay paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/