Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

ARAW 7 NG 7

Binabago ng Pagtingin ang lahat

Ang mga ito'y padadaanin ko sa apoy upang dalisayin, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Tatawag sila sa akin at akin namang diringgin. Sasabihin kong sila ang aking bayan. Sasabihin naman nilang ako ang kanilang Diyos.” (Zacarias 13:9)

Isang araw, isang babaeng nakatira sa lungsod ang dumungaw sa kanyang bintana at nakita ang isang malaking trak na papalapit sa kanyang bahay. Mula sa trak, tumalon ang ilang kabataang lalaki at nagsimulang magbaba ng mga electric guitar, loudspeaker, at drum. Inilipat nila itong lahat sa isang malapit na bahay.

Galit na galit ang babae. Sapagkat ito ay oras na ng pamamahinga, at ang kanyang mga tainga at buhay ay maaabala sa ingay na magmumula sa kabilang bahay.

Pag-uwi ng kanyang asawa mula sa trabaho, agad na sumigaw ang ginang, “Kailangan na nating umalis kaagad dito. Kung hindi, malapit na tayong mabingi at mabaliw dahil sa isang grupo ng mga musikero sa tabi ng ating bahay."

Pero pinakalma siya ng asawa niya at sinabing, "Honey, bakit ka nagagalit? Hindi mo ba alam kung sino sila? Sila ang sikat na sikat na Sanguma Stringband group na nagtatanghal sa ibang bansa sa harap ng napakaraming tagahanga. Dapat tayong magalak na nandito sila: maaari nating tangkilikin ang mga sikat na musika nang libre."

Ang pagsimangot sa mukha ng asawa ay napalitan ng ngiti. Agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang kanyang mga kaibigan na pumunta paminsan-minsan at i-enjoy ang musika ng Sanguma Band.

Paano binabago ng pagtingin ang lahat.

Pagninilay: Maraming tao, marahil kasama ka at ako, ay may walang ingat na saloobin. Madalas ay nagagalit tayo nang hindi nag-iisip, dahil lang sa isang bagay sa harap ng ating mga mata, na sa tingin natin ay makakagambala sa ating buhay. Ang mga problemang nangyayari sa buhay ay pareho. Maaari tayong mag-isip na makakagambala ito sa ating buhay o tingnan mo ang mga ito bilang mga hamon na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari sa atin at umakyat sa susunod na antas upang mas masiyahan tayo sa Diyos.

Huwag hayaang nakawin ang iyong kagalakan ng mga negatibong kaisipan.

(David Jeremiah)

Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

Bilang tao nais nating ang ating buhay paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/