Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

ARAW 3 NG 7

Isang wika na naiintindihan ng lahat

Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin;
At ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man.
Purihin ninyo ang Panginoon. (Mga Awit 117:2)

Isinulat ni Laura Ingalls Wilder sa Little House in the Ozarks, "Kailangan nating tumulong sa isang kapitbahay sa taglamig. Bagama't ang temperatura sa taglamig ay medyo mataas pa, kung walang kahoy na panggatong, ang temperatura ng hangin ay malamig pa rin. Dahil sa sakit na rayuma, ang ating mga kapitbahay ay walang sapat ang lakas upang mangolekta ng mga panustos na kahoy sa panahon ng taglamig. Nakakuha lamang siya ng kaunting kahoy, at ito ay nagdulot ng lamig sa kanyang pamilya.

Kaya ang mga lalaking kapitbahay ng amang ito ay nagtipon isang umaga upang bisitahin siya. Tinulungan nila siyang magsibak ng kahoy gamit ang mga lagari at palakol. Ginawa nila ang gawaing ito sa buong araw, at habang lumalapit ang gabi, nakaipon sila ng sapat na suplay ng kahoy para magamit sa buong taglamig.

Ginawa rin ng mga babae ang kanilang bahagi. Buong umaga ay patuloy silang nagdala ng mga basket na puno ng pagkain. Pagsapit ng tanghali, napuno ng hapunan ang mahabang mesa. Pagkatapos hugasan ang mga pinggan, sila ay nanahi, nag-gantsilyo, at nag-kwentuhan buong hapon. Masaya ang mga panahong iyon, at lahat kami ay umuwi na may saloobing ipinahayag ng isa sa aming mga bagong kapitbahay na nagsabing, "Alam ninyo ba kung gaano ko ipinagmamalaki na mamuhay sa ganitong kapaligiran?"

Ang kabaitan ay isang pangkalahatang wika na nauunawaan ng lahat.

Ang kabaitan ay isang wika na naririnig ng bingi, at nakikita ng bulag.

Pagninilay: Ang paggawa ng mabuti ay hindi lamang isang kaganapan para lamang makilala ng maraming tao, o makakuha ng tatak bilang isang mabuting tao, Ngunit ang mabubuting bagay na ginawa bilang mga anak ng Diyos ay isang anyo ng ningning bilang mga tagasunod ni Kristo.

Hindi ko maisip kung nasaan na ako ngayon kung hindi dahil sa isang grupo ng mga kaibigan na nagbigay sa akin ng pusong puno ng saya.

(Chuck Swindoll)

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 5

Bilang tao nais nating ang ating buhay paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/