21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa
Mga Pagkagambala
Ngayon, nakatuon tayo sa pag-aalis sa ating sarili ng mga pagkagambala na napakarami sa mundong ito. Hindi natin lubusang masusunod ang Diyos at ang Kanyang kalooban para sa ating buhay at hindi natin kayang magkaroon ng buhay na puno ng Espiritu kung palagi tayong naliligalig.
Sa Mga Taga-Filipos 4:8, itinuro ni Pablo sa simbahan ng Filipos kung ano ang dapat nilang isipin. Bagama't ang talatang ito ay nagsasabi lamang sa kung ano ang gusto niyang pag-isipan ng simbahan, maaaring mahinuha dito kung ano ang wala sa listahan. Ang stress, pagkabalisa, takot, at pag-aalala ay wala sa listahan ni Pablo. Sa halip, sinabi niyang tumutok sa kung ano ang totoo, marangal, dalisay, kaibig-ibig, kahanga-hanga, at tama. Kapag ginawa natin ang hakbang na ito, mas malapit tayo sa pag-iisip sa paraang nais ng Diyos at pagtatanggol sa ating sarili mula sa mga kaabalahan.
Sa Juan 17:17, makikita natin si Jesus na nananalangin para sa Kanyang mga disipulo. Hinihiling niya sa Diyos na pabanalin sila sa Kanyang katotohanan. At ano ang sinasabi Niyang katotohanan ng Diyos? Ang Kanyang Salita. Nagbibigay ito sa atin ng kaunawaan sa kung ano ang tinutukoy ni Pablo nang sabihin niya sa simbahan sa Filipos na pag-isipan kung ano ang totoo.
Tayo ay sinadyang manatili sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Kapag ginawa natin itong prayoridad sa ating buhay, hindi tayo madaling magagambala ng mga bagay sa mundong ito. Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa isang puspos ng Espiritu at nag-uumapaw na buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!
More