Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon: Isang Bagong SimulaHalimbawa

New Year: A Fresh Start

ARAW 5 NG 5

Pamumuhay na may Bagong Relasyon

Isa sa mga pinakapangunahing katotohanan ng buhay ay ginawa tayo upang magkaroon ng mga kaugnayan sa iba. Sa simula pa lang, nang sabihin ng Diyos, "Hindi mabuti para sa tao na mag-isa," ang malalim na kahalagahan ng mga relasyon ng tao ay maliwanag. Inilalarawan ng Salita ng Diyos ang mga Cristianong mananampalataya bilang "Ang Katawan ni Cristo." Sinasabi Niya na tayo'y konektado sa isa't isa at umaasa sa isa't isa. Ginawa tayo upang maging sa isang komunidad at gumana nang pinakamahusay kapag ang ating mga pakikipag-ugnayan ay maayos. Dahil ang mga relasyon ay napakahalaga sa ating pag-iral, ang kalidad ng relasyong iyon ay magkakaroon ng napakalaking epekto sa kalidad ng ating buhay.

Kung ang ating mga relasyon ay mabuti, ang ating buhay ay mabuti, anuman ang mga paghihirap sa mga sitwasyon na maaaring nararanasan natin sa anumang oras. Ito ang kapangyarihan at kahalagahan ng magandang relasyon sa ating buhay.

Nakalulungkot, ito ay isang lugar ng buhay kung saan madalas tayong nahihirapan. Karamihan sa atin ay may nasirang relasyon sa ating buhay. Ang mga ito ay nagdudulot sa atin ng sakit, at ang mga emosyon na nauugnay sa mga relasyong ito ay nakakaapekto sa bawat aspeto ng ating buhay. Mahirap masayahan kahit sa pinakamagagandang bagay kung sira ang ating relasyon sa mga tao. Ang mga pagsisikap na "ayusin" ang ating mga nasirang relasyon ay napupunta sa aing mga listahan ng Resolusyon ng Bagong Taon, taun-taon.

Ang ating mga relasyon ay maaaring magkakaiba. Mayroon tayong tunay na posibilidad ng mga bagong relasyon dahil, sa pamamagitan ni Cristo, mayroon tayong bagong puso. Kay Jesus, mayroon tayong bagong buhay, bagong saloobin, at bagong daan sa Isa na makakatulong sa atin sa ating mga relasyon. Tayo ay tinawag upang mamuhay nang may pag-ibig sa isa't isa, at ang Diyos ay laging nagbibigay sa atin ng biyaya at lakas upang gawin ang Kanyang pagkatawag sa atin.

Sinabi ni Jesus na ang Pinakadakilang Utos ay "ibigin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas." Pagkatapos ay sinundan Niya ng pagsasabing mayroong pangalawang utos tulad ng una: "Dapat nating ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili." Ikinonekta ni Jesus ang dalawang aspetong ito ng mga relasyon; pagmamahal sa Diyos nang buong pagkatao natin at pagmamahal sa iba nang may pagmamahal na naglalagay sa kanila at sa kanilang mga pangangailangan na katumbas ng sa ating sarili. Ang koneksyong ito ay mahalaga dahil ang pangalawa ay posible lamang sa pamamagitan ng una.

Bilang mga Cristianong umiibig sa Diyos nang kabuuan natin, nasa posisyon tayo na mamuhay sa pag-ibig at pagtanggap na natanggap natin mula sa Diyos. Sinasabi ng Biblia, "Tayo ay umiibig, sapagkat Siya ang unang umibig sa atin." Maaari nating mahalin ang iba sa mga paraan na hindi natin magagawa nang hiwalay kay Cristo.

Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na Siya ay nagbibigay sa kanila ng isang bagong utos na dapat silang "Magmahalan sa isa't isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo." Dahil naranasan natin ang gayong radikal, at walang kondisyong pag-ibig mula sa Diyos, mayroon tayong imbakan ng pag-ibig na maaaring ibigay sa iba. Maaari tayong mag-alok ng pagmamahal sa mga mahirap mahalin, kahit na sila ay ating mga kaaway, o hindi kaibig-ibig

Wala ito sa ating likas na kakayahan, ngunit kay Cristo, maiaalay natin ang pag-ibig na ating natanggap. Ito ang magpapabago sa ating mga relasyon, kahit na ang ibang tao ay tumututol sa pagmamahal na ipinapakita natin. Kapag tayo ay nagpapatawad, nagmamahal, at may kapayapaan, ang ating relasyon sa iba ay nababago, anuman ang kanilang tugon. Ang alok na ito ng pag-ibig ay ang pinakamagandang pag-asa ng pagkakasundo. Gayunpaman, mangyari man iyon o hindi, mararanasan natin ang nagbibigay-buhay na kalayaan.

Gawin itong taon na ito ang pinakamahusay na taon sa buhay mo. Isang taon kung saan lumalakad ka sa pag-ibig sa pamamagitan ng pag-aalok sa iba ng walang pasubaling pag-ibig na natanggap mo mula kay Jesus!

Kung nasiyahan ka sa gabay sa pagbabasang ito, inaanyayahan ka naming kumonekta sa ILI at tuklasin kung paano ka lalago bilang isang pinuno at pabilisin ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang https://iliteam.org/connect.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

New Year: A Fresh Start

Ang bagong taon ay katumbas ng bagong simula at muling pag-uumpisa. Ito ay isang panahon upang magpanibago, magpasigla, at muling tumuon sa kung ano ang pinakamahalaga sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng pinakamagandang taon ay nagsisimula sa pamamagitan ng kaalamang ikaw ay ginawang bago sa pamamagitan ni Jesus. Mabuhay nang bago sa bagong taon!

More

Nais naming pasalamatan ang International Leadership Institute sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://ILITeam.org