Bagong Taon: Isang Bagong SimulaHalimbawa
Pamumuhay nang may Bagong Saloobin
Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang mamuhay ng isang mas mahusay na buhay ay ang pagkakaroon ng isang mas mahusay na saloobin. Kapag tayo ay mga tagasunod ni Jesu-Cristo, tayo ay mga bagong nilalang. Samakatuwid, maaari tayong magkaroon ng panibagong saloobin tungkol sa bawat aspeto ng ating buhay. Tinuturuan din tayo tungkol sa uri ng saloobin na dapat nating taglayin. Ito ang uri ng saloobin na magbibigay sa atin ng bagong pamamaraan ng pamumuhay at magreresulta sa isang pangmatagalang kasariwaan sa ating buhay.
Sa Mga Taga-Filipos kabanata 2, isinulat ni Pablo na hindi tayo dapat magkaroon ng isang saloobin na karaniwan sa nawasak na mundo, kundi sa halip, magkaroon ng parehong saloobin na mayroon si Jesus. Dapat nating harapin ang buhay gaya ng ginawa ni Jesus. Ang ating natural na paraan ay ang gumawa ng ating mga desisyon at kumilos nang may pagkamakasarili at pagmamataas, tinitingnan ang ating mga interes at itinuturing ang ating sarili bilang mas mahalaga kaysa sa iba. Sa madaling salita, mayroon tayong mapagmataas, makasariling ugali na sa tuwina'y inuuna ang ating sariling mga pangangailangan at pagnanasa. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay tiyak na makakabawas sa kalidad ng ating buhay dahil ito ay makakasama sa ating mga relasyon at mag-iiwan sa atin ng kawalang-kasiyahan at palagiang pagnanais ng higit pa. Sinabihan tayo na magkaroon ng parehong saloobin ni Jesus. Gayunpaman, ang ugaling ito ay ganap na naiiba sa ating karaniwang saloobin.
Na kay Jesus ang lahat ng dahilan upang magmalaki, maging puno ng Kanyang sarili, at magsaya sa katotohanan na Siya ay Diyos. Si Jesus, gayunpaman, ay hindi sinubukang panghawakan ang Kanyang "katayuan" bilang Diyos. Sa halip, inalis Niya sa Kanyang sarili ang Kanyang kaluwalhatian. Siya ay nagkatawang tao at naparito sa lupa bilang isang sanggol. Siya ay may saloobin ng kababaang-loob, na ipinakita mula sa mismong sandali ng Kanyang kapanganakan sa isang kulungan ng mga hayop. Ang kanyang unang kama ay isang labangan para sa mga hayop. Siya ay may hamak na pagdating at lumaki sa isang simpleng pamilya at isang hindi gaanong espesyal na bayan.
Sa buong buhay Niya sa lupa, ipinakita Niya ang puso ng isang lingkod, na naparito, "hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod." Siya ay ganap na masunurin sa Ama, kahit na sa punto ng pag-aalay ng Kanyang buhay para sa kapakanan ng sangkatauhan. Hindi Siya makasarili, hindi maramot; masunurin, hindi matigas ang ulo; hindi naghahangad upang makuha ang lahat, kundi handang ibigay ang lahat.
Ang parehong Jesus na ipinamuhay ang halimbawa ng tamang pag-uugali araw-araw ay nabubuhay ngayon sa puso ng mga taong nag-alay ng kanilang buhay sa Kanya. Ang Banal na Espiritu ay maaaring magbigay ng kapangyarihan sa atin upang ipamuhay ito.
Ito ay isang bagong taon, at ngayon ang oras upang ipamuhay ang isang bagong saloobin nang walang pag-iimbot, may pag-ibig na mapagsakripisyo, at mabago araw-araw sa pamamagitan nito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang bagong taon ay katumbas ng bagong simula at muling pag-uumpisa. Ito ay isang panahon upang magpanibago, magpasigla, at muling tumuon sa kung ano ang pinakamahalaga sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng pinakamagandang taon ay nagsisimula sa pamamagitan ng kaalamang ikaw ay ginawang bago sa pamamagitan ni Jesus. Mabuhay nang bago sa bagong taon!
More