Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon: Isang Bagong SimulaHalimbawa

New Year: A Fresh Start

ARAW 3 NG 5

Pamumuhay na may Bagong Paraan ng Paglapit sa Diyos

Sa sandali ng kamatayan ni Jesus, ang Diyos ay gumawa ng isang bagay na naiiba. Ang kurtina sa Templo na naghihiwalay sa Dakong Kabanal-banalan ay "napunit sa dalawa, mula sa itaas hanggang sa ibaba."

Kahit na ito ay isang aktwal, pisikal na kaganapan, ang tunay na kahalagahan ay kung ano ang sinisimbolo nito. Ang Dakong Kabanal-banalan ay hindi maaaring pasukin ng mga Hebreo. Tanging ang Pinakapunong Pari lamang ang maaaring makapasok sa Dakong Kabanal-banalan. Kahit noon pa, may mga mahigpit na tuntunin na kailangang sundin. Ang Dakong Kabanal-banalan ay napakaespesyal dahil ito ang lugar kung saan naninirahan ang Diyos.

Ang Kaban ng Tipan ay inilagay sa Dakong Kabanal-banalan, at ang takip ng Kaban ay tinawag na "Ang Luklukan ng Awa." Sa itaas ng Luklukan ng Awa ay ang "Maluwalhating Presensya ng Panginoon." Ang pagpasok sa Dakong Kabanal-banalan ay nangangahulugan na ikaw ay nasa mismong presensya ng Diyos. Walang sinuman ang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan. Kahit na ang Pinakapunong Pari ay papasok nang paatras sa halip na harapin "Ang Presensya."

Binago ng kamatayan ni Jesus sa krus ang lahat ng iyon. Sa halip na ang di-sakdal na mga hain ng mga hayop upang pansamantalang magbayad-sala para sa kasalanan, si Jesus ang buo, sakdal, at ganap na hain na inihandog minsan at magpakailanman. Dahil dito, Siya ang ating perpektong Pinakapunong Pari na naglaan ng sakdal na sakripisyo, na nagbibigay-daan sa atin na magkaroon ng patuloy na paglapit sa Diyos. Wala nang kurtinang naghihiwalay sa atin sa presensya ng Diyos. Sa pamamagitan ni Jesus, mayroon tayong ganap na paglapit sa Diyos.

Sinasabi sa atin ng Mga Hebreo 4 na ang bagong daan sa paglapit sa Diyos ay nakakapagpabago ng buhay. May daan tayo sa awa ng Diyos at biyaya ng Diyos. Makakalapit tayo nang buong tapang, nang may pagtitiwala, sa trono ng Diyos, dahil batid natin na may awa at biyaya roon. Hindi natin kailangang pumasok nang paatras tulad ng kailangang gawin ng mga Pinakapunong Pari ng Hebreo. Mayroon tayong bago at kakaibang daan sa paglapit sa Diyos!

Sinabi ni Pablo sa Mga Taga-Roma na tayo ay inampon sa pamilya ng Diyos, at nilinaw ni Juan na ang mga nagtitiwala kay Cristo ay "mga anak ng Diyos."

Ang mga talatang ito ay nagbibigay sa atin ng labis na pag-asa. Hindi natin kailangang magtago sa Diyos tulad ng ginawa nina Adan at Eva pagkatapos nilang magkasala. Ang pagtuklas ng daan sa mga bagong awa ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng bagong simula sa isang bagong buhay sa buong taon!

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

New Year: A Fresh Start

Ang bagong taon ay katumbas ng bagong simula at muling pag-uumpisa. Ito ay isang panahon upang magpanibago, magpasigla, at muling tumuon sa kung ano ang pinakamahalaga sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng pinakamagandang taon ay nagsisimula sa pamamagitan ng kaalamang ikaw ay ginawang bago sa pamamagitan ni Jesus. Mabuhay nang bago sa bagong taon!

More

Nais naming pasalamatan ang International Leadership Institute sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://ILITeam.org