Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Biblia ay BuhayHalimbawa

Ang Biblia ay Buhay

ARAW 7 NG 7

Binabago ng Biblia ang Lahat

Isipin na ang lahat ng bagay ay madilim at walang anyo hanggang sa hininga ng Diyos ang mga salitang, “Magkaroon ng liwanag.” Sa isang iglap, nagbago ang lahat. Tumagos ang liwanag sa kadiliman, at ang mga dating hindi nakikita ay maliwanag nang nakikita. Isang salita mula sa Diyos ang bumago sa lahat … ngunit hindi ito nagtapos doon.

Ang nag-iisang Diyos na lumikha ng sansinukob sa pamamagitan ng isang hininga ay patuloy na nagbibigay ng bagong buhay sa mundo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Salita. Ang Salita ng Diyos ay patuloy na tumatagos sa kadiliman. Ang Salita ng Diyos ay nagpapabago ng buhay at muling nagpapanumbalik ang mga pusong nasaktan. Ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo dahilSiya ay buhay at aktibo. At mayroon tayong tuloy-tuloy na ugnayan sa Kaniyang Salita.

Habang higit nating inaaral ang Biblia, higit din natin natutuklasan na nais ng Diyos na ang bawat isa sa mundo ay makaranas ng personal, aktibo, nakakapagpanumbalik na relasyon sa Kanya.

Anuman ang pagsubok o paghihirap na ating kakaharapin, ang Salita ng Diyos ay magpapatuloy na tumagos sa kadiliman. Ang Kanyang Salita ay magpapatuloy na magbago sa mga taong tulad nina Ghana, Diya, ng mga tao ng Populuca, nina Samuel Ajayi Crowther, at William Tyndale. At ang Kanyang Salita ay may kapangyarihang magbago sa iyo.

Kaya't huminto at pag-isipan ang iyong kuwento. Paano ka binago ng Salita ng Diyos? At sa anong mga paraan maaaring bigyang buhay ng Diyos ang Banal na Kasulatan sa iyong buhay ngayon?

Ipagdiwang ang mga ginawa ng Diyos sa iyong buhay, at magmuni-muni kung ano ang ginagawa ng Diyos sa mundong nakapaligid sa iyo.

Sa pagpapatuloy, piliing maging bahagi ng kuwento na ibinabahagi ng Diyos. Ito ay kuwento na nagsimula nang bigkasin Niya ang Salitang lumikha sa mundo at magpapatuloy hanggang sa pagbabalik ni Jesus.—ang kuwento na lampas sa kasaysayan at patuloy na nagpapabago sa mundo.

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Biblia ay Buhay

Simula pa noong unang panahon, ang Salita ng Diyos ay aktibong nagpapanumbalik ng mga puso at isipan—at hindi pa tapos ang Diyos. Sa natatanging 7-araw na Gabay na ito, ating ipagdiwang ang nakakapagpabagong buhay na kapangyarihan ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano ginagamit ng Diyos ang Biblia upang makaapekto sa kasaysayan at baguhin ang mga buhay sa iba't ibang panig ng mundo.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito ay inilikha at nagmula sa YouVersion.