Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Biblia ay BuhayHalimbawa

Ang Biblia ay Buhay

ARAW 4 NG 7

Ang Biblia ay Nagbibigay Kapangyarihan Sa Atin

Isipin mong ipinapakilala mo ang iyong sarili sa isang taong mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagsasabing ikaw ay kabilang sa isang grupo ng mga taong ang ibig sabihin ng pangalan ay “walang kabuluhang daldalero.” Iyon ang kahulugan ng salitang “popoluca”, at madalas naiuugnay ito sa mga katutubo at wika ng Veracruz, Mexico. 

Hanggang sa ngayon, ang “Popoluca” ay ginagamit pa rin upang ilarawan ang 35,500 na mga taong nasa rehiyon na iyon ang ginagamit na wika. Pero ang mga gumagamit ng wikang iyon ay tinatawag itong “Nuntajɨ̱yi”— “ang Tuwid na Pananalita.”

Bagama't maaaring ang Nuntajɨ̱yi ay walang gaanong halaga sa ilan, ang mga taong ngayon na nakakapagbasa o nakakapakinig ng Bagong Tipan sa kanilang wika ay nakakaunawang ito ay mahalaga sa Nag-iisa na lumikha nito. Si Carolina ay isa sa mga taong ito. Apo ng isa sa mga tagapagsalin ng Popoluca New Testament, si Carolina ang unang babaeng Popolucan na nagtapos sa kolehiyo. Inialay niya ang kanyang buhay sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos sa kanyang wika, at ngayon ay pinangungunahan ang isang pangkat na nagsasalin ng 50 sa Mga Awit.

“Kapag binabasa namin ang Biblia sa Espanyol, tila ito ay isang nasayang na pagsisikap. Ngunit kapag binabasa namin ito sa aming wika, ito ay tumatagos sa aming mga puso. Umaantig ito sa aming mga puso—tumitimo ito sa amin—sapagkat tunay namin itong nauunawaan.” 

Si Carolina ay isang aktibong bahagi ng YouVersion Community, at madalas niyang ginagamit ang YouVersion para pag-aralan ang Salita ng Diyos sa Nuntajɨ̱yi.

“Kami ay nagagalak na nailagay ninyo ang aming salita sa inyong app, dahil ngayon ang sinuman ay maaaring makita na ito—ang aming wika ay kasama na ng iba pang mga kilalang wika! Madalas ang aming wika ay hindi itinuturing na mahalaga, ngunit sa app na ito, nakikita namin na ang aming wika ay lubos na pinahahalagahan.”

Ngayon, maglaan ng sandali upang pasalamatan ang Diyos na may Biblia ka sa sarili mong wika. Pasalamatan mo ang Diyos para kay Carolina at sa libo-libong mga tagapagsalin ng Biblia na nagtatrabaho sa buong mundo ngayon. Nang dahil sa kanilang katapatan at matinding pagnanais, ang Salita ng Diyos ay naipapalaganap sa bawat sulok ng mundo, at nagpapabago ng pagkakakilanlan ng mga taong nakakarinig at nakakaunawa nito.   

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Biblia ay Buhay

Simula pa noong unang panahon, ang Salita ng Diyos ay aktibong nagpapanumbalik ng mga puso at isipan—at hindi pa tapos ang Diyos. Sa natatanging 7-araw na Gabay na ito, ating ipagdiwang ang nakakapagpabagong buhay na kapangyarihan ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagsusuri kung paano ginagamit ng Diyos ang Biblia upang makaapekto sa kasaysayan at baguhin ang mga buhay sa iba't ibang panig ng mundo.

More

Ang orihinal na Gabay sa Bibliang ito ay inilikha at nagmula sa YouVersion.