Pagiging Ama (Part 1)Halimbawa
Tatlong hibla ng buhok at ang nawalang impluwensya
Isang ligaw na aso ang dumating sa bahay ng isang mangangaral at ng kanyang 3 anak na lalaki at agad na minahal nila ang aso. Nangyari na mayroong 3 puting buhok sa buntot ng aso.
Isang araw may lumabas na anunsyo sa pahayagan tungkol sa isang nawawalang aso na halos kapareho ng aso na dumating sa bahay ng mangangaral.
"Sa presensya ng aking tatlong anak na lalaki," sabi ng ministro, "maingat naming pinaghiwalay ang tatlong puting buhok sa buntot ng aso at binunot ito."
Nalaman ng may-ari ng aso na ang kanyang aso ay nakakita ng bagong bahay at bumalik upang kunin ito.
Nagpakita ang aso ng mga palatandaan ng pagkakilala sa nag mamay-ari sa kanya, kaya't naghanda na siya upang iuwi ang aso.
Kaagad sinabi ng mangangaral, "Hindi ba sinabi mo na ang aso ay makikilala sa 3 puting buhok sa buntot nito?" Hindi mahanap ng may-ari ang 3 puting buhok, napilitan siyang umalis.
Sinabi ng pastor nang maglaon, "Nasa amin pa rin ang aso, ngunit nawala ang aking 3 anak kay Cristo."
Ang mga anak ay hindi na naniniwala sa pinanampalatayaan ng ama. Hindi niya isinabuhay ang ipinangangaral niya.
Huwag mag-alala na ang mga bata ay hindi nakikinig sa iyo; mag-alala ka dahil lagi ka nilang pinapanood.
(Robert Fulghum)
Kawikaan 2:20
"Kaya't maaari kang lumakad sa daan ng kabutihan, at manatili sa mga landas ng kabutihan."
Pagninilay:
Paano matututuhan ng mga bata ang tungkol sa integridad? Sa pamamagitan ba lamang ng mga salita? Habang ang mga salita ay isang mahalagang instrumento, ang mga aksyon ay ang pinakamalakas na halimbawa upang turuan ang mga bata patungkol sa integridad. Ikaw ba ay isang taong may integridad?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa Bibliya, itinalaga ng Diyos ang mga ama upang gabayan ang kanilang mga anak na matakot sa Diyos at maging kapaki-pakinabang. Ang responsibilidad na ito ay hindi madali para sa mga ama. Ang pagbubulaybulay na ito ay makakatulong sa mga ama na laging alalahanin ang banal na pagkatawag mula sa Panginoon para sa kanilang mga anak.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg