Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagiging Ama (Part 1)Halimbawa

Pagiging Ama (Part 1)

ARAW 1 NG 3

Maging matatag, aking anak!


Ang pangyayaring ito ay naganap ilang taon na ang nakararaan nang makatanggap ako ng isang kagyat na paanyaya na bisitahin ang isang akademya ng militar, kung saan naghimagsik ang mga mag-aaral, sa pag-asang makakatulong ako sa kanila.

Naranasan ng mga mag-aaral ang lahat: binigyan sila ng oras sa pag-aaral at pagsasanay. Ibinigay ng punong-guro sa akin ang napakaraming telegrama na ipinadala ng mga magulang hinggil sa sitwasyon. Inilarawan ng mga mensahe ang mga sitwasyon sa iba't ibang tahanan kung saan nagmula ang mga mag-aaral at ang kanilang ugnayan sa kanilang mga magulang.

Nagpadala ang isang ama ng mensahe sa kanyang anak, "Inaasahan kong maging masunurin ka." Ang isa pa ay nagsabi, "Kung mapalayas ka sa paaralan, hindi mo na kailangang umuwi muli." Ang isa pa ay nagsabi, "Kung pauwiin ka, ipapadala ka ng iyong ama sa isang mental hospital." Ngunit ang pinakamagandang mensahe ay ipinahayag sa mga maikling salitang ito: “Magpakatatag ka, anak ko. Magpakatatag ka!  Mula sa Iyong Ama. "

May isang lalaki na naniniwala sa kanyang anak na lalaki at marahil ay walang mas hihigit na impluwensya sa isang bata kung hindi ang isang ama na pinahahalagahan ang kaluluwa ng kanyang anak at tinatrato siyang tunay na lalaki.

Walang sinuman na hindi nais na magtiis hanggang sa wakas para sa kapakanan ng kanilang mga anak at kanilang edukasyon ang dapat payagan na magkaroon ng mga anak sa mundong ito. 

 (Plato)

1 Mga Taga-Corinto 14:3

“Ngunit ang taong nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay nagsasalita sa mga tao upang silaʼy matulungan, mapalago at mapalakas ang loob.”


Pagninilay:

Bilang isang ama, may tiwala ka ba sa iyong anak na siya ay isang bata na may mabuting ugali? Hikayatin natin ang ating mga anak sa mga salitang magpapalakas sa kanila, at hindi  mga salitang humuhusga o magpapahina sa kanila.


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Pagiging Ama (Part 1)

Sa Bibliya, itinalaga ng Diyos ang mga ama upang gabayan ang kanilang mga anak na matakot sa Diyos at maging kapaki-pakinabang. Ang responsibilidad na ito ay hindi madali para sa mga ama. Ang pagbubulaybulay na ito ay makakatulong sa mga ama na laging alalahanin ang banal na pagkatawag mula sa Panginoon para sa kanilang mga anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg