Pagiging Ama (Part 1)Halimbawa
Ang mga ginintuang patakaran na natutuhan ni Penney mula sa kanyang ama
Bilang isang bata, sinimulan ni J.C Penney ang kanyang unang negosyo sa pamamagitan ng pag-alaga ng mga baboy sa bukid ng kanyang ama. Inalok siya ng mga kapitbahay ng mga tira mula sa kanilang kusina para ipakain sa baboy. Nang ibenta ni Penney ang kanyang unang baboy at kumita, bumili siya ng mas marami pang mga baboy at kumita ng mas malaki. At itinuro ng ama sa anak ang isang ginintuang patakaran na gagabay kay Penney sa buong buhay niya.
Nagsimulang magreklamo ang mga kapit-bahay tungkol sa amoy at ingay na nagmumula sa kanyang babuyan.
Inutusan ni G. Penney ang kanyang anak na ibenta ang mga baboy. Nagulat si Penney. Nakipagtalo siya sa kanyang ama sa pagsasabing lahat ng baboy ay sadyang mabaho at maingay. At isa pa, walang karapatan ang kanilang mga kapit-bahay na pagsabihan sila kung ano ang kanilang dapat o hindi dapat na gawin.
Pinakinggan ni G. Penney ang mga salita ng kanyang anak at pagkatapos ay sinabi, "Wala kang karapatang kumita ng pera kung sa pagkita mo ay ikapapahamak naman ito ng ibang tao."
Ibinenta ni J.C. Penney ang mga baboy na may labis na panghihinayang. Ngunit natutuhan niya mula sa kanyang maka-Diyos na ama ang isang pinakamahalagang aral sa araw na iyon.
Ang isang ama ay nagkakahalaga ng higit sa 100 mga punong-guro ng paaralan.
(George Herbert)
Levitico 25:17
Huwag kayong magdadayaan; sa halip ay matakot kayo sa akin. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
Pagninilay:
Ang ama ang pinuno ng pamilya para sa kanyang asawa at mga anak. Ang mga ama ay may malaking papel upang disiplinahin at hubugin ang pag-uugali ng kanilang mga anak. Manalangin tayo na pahiran ng langis ng Banal na Espiritu ang bawat ama bilang mga saserdote.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa Bibliya, itinalaga ng Diyos ang mga ama upang gabayan ang kanilang mga anak na matakot sa Diyos at maging kapaki-pakinabang. Ang responsibilidad na ito ay hindi madali para sa mga ama. Ang pagbubulaybulay na ito ay makakatulong sa mga ama na laging alalahanin ang banal na pagkatawag mula sa Panginoon para sa kanilang mga anak.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg