Paglilinis ng KaluluwaHalimbawa
Ipinapakita sa atin sa Mateo 16 na isang paraan upang pamahalaan ang mga nakakalasong relasyon ay ang pagtakda ng mga mabubuting hangganan paris nang ginawa ni Hesus ginawa kay Pedro. Maaaring kailanganin mong sabihin sa tao na hindi mo sila hahayang makipag-usap sa iyo o tratuhin ka sa isang nakalalasong paraan, o maaaring kailangan mo lamang na sabihin sa kanila na, sa inyong relasyon, na hindi ka sasama sa mga pagpunta nila sa isang nakakalasong lugar.
Anong mga uri ng mabubuting hangganan ang kailangang itatag mo sa iyong mga relasyon? Paano mo ito itatakda?
Anong mga uri ng mabubuting hangganan ang kailangang itatag mo sa iyong mga relasyon? Paano mo ito itatakda?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tayo ay hindi mga katawan na may kaluluwa. Tayo ay mga kaluluwa na may katawan. Habang ang mundo ay tinuturuan tayo na linisin ang ating katawan, minsan kailangan din nating linisin ang ating kaluluwa. Ang 35-araw na planong ito ay tutulungan tayong kilalanin kung ano ang sumisira sa ating kaluluwa, at ano ang humahadlang sa atin upang maging taong nilikha ng Diyos. Matututunan natin mula sa mga Salita ng Diyos kung paano maaalis ang mga mapanirang impluwensya at yakapin ang malinis na pamumuhay para sa iyong kaluluwa.
More