Paglilinis ng KaluluwaHalimbawa
Ang ating iniisip ay sadyang mahalaga. Kung anong iniisip mo, ang magsasabi kung magiging sino ka. Sa kasamaang palad, tayong lahat ay ay nagiging bilanggo ng mga nakalalasong kaisipan, kaysa ipako ang pag-iisip sa katotohanan ayon sa panginoon. Ngayong linggo ay iyong mababasa mula sa Salita ng Diyos ang kapahamakang dulot ng nakalalasong kaisipan at kung paano mapapalitan ang mga ito ng katotohanang mula sa Diyos.
Paano nakaaapekto ang mga nakalalasong kaisipan sa iyong buhay at relasyon?
Paano nakaaapekto ang mga nakalalasong kaisipan sa iyong buhay at relasyon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tayo ay hindi mga katawan na may kaluluwa. Tayo ay mga kaluluwa na may katawan. Habang ang mundo ay tinuturuan tayo na linisin ang ating katawan, minsan kailangan din nating linisin ang ating kaluluwa. Ang 35-araw na planong ito ay tutulungan tayong kilalanin kung ano ang sumisira sa ating kaluluwa, at ano ang humahadlang sa atin upang maging taong nilikha ng Diyos. Matututunan natin mula sa mga Salita ng Diyos kung paano maaalis ang mga mapanirang impluwensya at yakapin ang malinis na pamumuhay para sa iyong kaluluwa.
More