Paglilinis ng KaluluwaHalimbawa
Hinihikayat tayo nang Mga Taga-Colosas 3 na iayos ang ating isip sa Diyos at hindi sa mga bagay sa mundo na nagdudulot sa atin nang nakalalasong kaisipan. Isa sa pinakamabuting paraan upang masimulan ang pagtutuon ng kaisipan sa DIyos ay ang pag-gugol ng maraming oras kasama Niya sa araw-araw sa ating pagdadasal at pagbabasa ng Kanyang mga Salita.
Anu-ano ang mga nakalalasong kaisipan ang kailangan mong baguhin? Anu-ano ang mga paraan na kailangan mong simulan upang mabago ito?
Anu-ano ang mga nakalalasong kaisipan ang kailangan mong baguhin? Anu-ano ang mga paraan na kailangan mong simulan upang mabago ito?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tayo ay hindi mga katawan na may kaluluwa. Tayo ay mga kaluluwa na may katawan. Habang ang mundo ay tinuturuan tayo na linisin ang ating katawan, minsan kailangan din nating linisin ang ating kaluluwa. Ang 35-araw na planong ito ay tutulungan tayong kilalanin kung ano ang sumisira sa ating kaluluwa, at ano ang humahadlang sa atin upang maging taong nilikha ng Diyos. Matututunan natin mula sa mga Salita ng Diyos kung paano maaalis ang mga mapanirang impluwensya at yakapin ang malinis na pamumuhay para sa iyong kaluluwa.
More