Paglilinis ng KaluluwaHalimbawa
Mayroong tatlong karaniwang uri ng mga nakakalasong relasyon: negatibo, dominante o ma-kontrol, at ang mga mapang-udyok. Malamang ay naranasan mo na ang lahat ng mga ito. Malamang ay ikaw mismo ay naging nakalalason sa ibang tao sa isa sa mga tatlong paraan. Sundin ang Salita ng Diyos at huwag mong pabayaan ang iyong sarili na malinlang at mahila tungo sa masamang landas sa pamamagitan ng mga nakakalasong relasyon. Mas mahalaga, huwag maging nakalalason sa iba dahil maari mo silang madala sa hinding magandang landas.
Anong mga uri ng nakakalasong relasyon na mayroon ka ang mas marami sa kasalukuyan?
Anong mga uri ng nakakalasong relasyon na mayroon ka ang mas marami sa kasalukuyan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tayo ay hindi mga katawan na may kaluluwa. Tayo ay mga kaluluwa na may katawan. Habang ang mundo ay tinuturuan tayo na linisin ang ating katawan, minsan kailangan din nating linisin ang ating kaluluwa. Ang 35-araw na planong ito ay tutulungan tayong kilalanin kung ano ang sumisira sa ating kaluluwa, at ano ang humahadlang sa atin upang maging taong nilikha ng Diyos. Matututunan natin mula sa mga Salita ng Diyos kung paano maaalis ang mga mapanirang impluwensya at yakapin ang malinis na pamumuhay para sa iyong kaluluwa.
More