Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay ni HabakkukHalimbawa

Habakkuk's Journey

ARAW 6 NG 6

"Pagtitiwala sa Diyos Cont."

Mga Kaisipan ng May-Akda:
1. Ano ang pangunahing tema ng kabanata? Ang pangunahing tema ay ang lakas at kapangyarihan ng Diyos.

Si Habakuk ay nagmula sa pagtatanong tungo sa paghihintay at sa katapusan ay pagpupuri sa Diyos. Naunawaan niya na ang Diyos ay may plano at tanging Siya lamang ang makatutupad nito. Habang tayo ay nabubuhay, makakatagpo tayo ng ganitong mga sitwasyon at nakadepende na lang ito sa kung paano tayo magdedesisyon na pangasiwaan ito. Bilang mga nilalang na nilikha sa wangis ng Diyos at may regalo na malayang kalooban, mayroon tayong kakayahan na gawin ang iba't ibang mga paraan, subalit sa huli, hinahanap Niya ang ating pagtitiwala.

Minsan ang Diyos ay pumapayag na ang isang sitwasyon ay lumampas sa ating makakaya upang kung tayo ay Kanyang maibalik malalaman natin na Siya ang may gawa. Doon ay pinagtitibay Niyang muli ang Kanyang pag-ibig sa atin at pinaaalalahanan tayo na kahit parang tayo ay nag-iisa sa daan, ang Diyos ay hindi, ni hindi Niya tayo pababayaan kailanman.

2. Ano ang kahalagahan ng “selah” at paano tayo tutugon dito?

Ang selah ay isa sa mga salita sa Biblia na pumukaw sa isipan ng mga iskolar. Ang totoo ay imposible malaman kung ano ang ganap na kahulugan ng salita dahil walang nakakaalam ng tuwirang pagsasalin nito. Dahil diyan, nagkaroon ng mabuting pagsusuri sa konteksto kung saan ito ginamit upang mas mainam na maunawaan ang tunay na kahulugan nito. Kaya sa pagtutuon sa konteksto kung paano ito ginamit, pinaniniwalaan ko na ito ay katulad ng terminong pangmusika, "huminto nang sandali.”

Kung iisipin, ito ay parang ginagamit bilang isang pahinga; isang paghinto sa kung ano ang sinabi. Ito ay isang sandali ng pagninilay, habang dinarama kung ano ang binasa at tunay na binibigyang-pansin ang mga salita. Isang bagay na mahalaga ang sinasabi sa sandaling ito ng pagpupuri at ang may-akda ay nais na tiyakin na may panahon upang mababad dito.

3. Sa pagbabalik-isipan sa pangunahing tema: Ano ang sinisikap na ihatid ni Habakuk sa mambabasa?

Si Habakuk sa kanyang sariling paraan ay nagsikap na itatak sa mga mambabasa ang kahalagahan ng kaunawaan kung sino talaga ang Diyos. Ang kaunawaan sa Diyos at sa Kanyang walang hanggang karunungan, kapangyarihan at pag-ibig ay ang pag-alam kung kanino mo ilalagay ang iyong lubos na pagtitiwala. Madaling itanong kung ano ang ginagawa ng Diyos at mahirap magtiwala na alam na alam Niya kung ano ang Kanyang ginagawa. Bilang mga mortal na nilalang, wala tayong walang-hanggan na paningin sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap, dahil diyan tayo ay madalas na lumalayo sa pagtitiwala na ang Diyos ang may kontrol nito. Normal na magtanong at mabahala, diyan papasok ang pananampalataya. Sa kahulihan, nagtapos si Habakuk sa pinakamabuting posibleng paraan:

18 magagalak pa rin ako at magsasaya,
dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin.
19 Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas.
Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang,
inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.

Itong pagpapakita ng pagsuko at pananampalataya ay ang lahat sa atin. Ipinakita ni Habakuk sa kabuuan ang lakas at kapangyarihan ng Diyos at kung bakit tayo magtitiwala sa Kanya sa lahat ng dako ng ating buhay.

4. Paano natin ito dadalhin sa ating kasalukuyang mundo upang magamit sa ating pang-araw-araw na mga buhay?

Ang madaling sagot ay mas magtiwala lamang sa Diyos. Ito ay madaling sabihin kaysa gawin sa maraming pagkakataon. Ang totoo, habang tayo ay nagsisimulang makaranas ng paghihirap, madalas na sumasandal muna tayo sa ating sarili at tumatanaw tayo mula rito. Kapag napagtanto natin na hindi natin ito magagawa sa ating sarili, ang unang gagawin natin ay mataranta sa halip na maging payapa sa Diyos. Ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay hindi ang paniniwala sa Kanya, sa halip ay ang pagkakaalam na aalalayan ka Niya at hindi ka kailanman pababayaan.

Kaya ngayon, balik tayo sa tanong. Kung ikaw ay lumibot sa mundo, tandaan na may mga bagay na hindi mo kontrolado at iyan ang dahilan kung bakit narito ang Diyos. Walang makakatakas sa Kanya at ang lahat ay mananagot sa Kanya. Subukang alalahanin ang Mga Kawikaan 3:5:
Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.

Hamon:
May dalawang bagay kung saan nais kong hamunin ka sa kabanatang ito. Una, subukan mo, basahing muli ang Habakuk 3 at tumigil sandali upang pag-isipan kung ano ang binabasa mo. Isipin kung ano ipinahihiwatig ng sinasabi ni Habakuk sa atin tungkol sa Diyos at sa Kanyang kalikasan.

Pangalawa, kailangan nating mag-isip ng mga paraan sa bawat araw para ipakita ang ating pagtitiwala sa Diyos. Kung tayo ay sumasandal sa Kanya sa mga maliliit na bagay sa ating buhay, mas madaling sumandal sa Kanya kung mayroong malaking bagay na dumating. Pag-isipan ang Santiagao 4:8:
Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan!

Maglaan ng oras upang sumandal sa Diyos at hanapin Siya sa Kanyang salita. Lumapit sa Kanya at Siya ay lalapit sa iyo. Ang Diyos ay hindi namimilit at hindi Niya gagawin na pilitin kang humingi ng tulong sa Kanya. Kailangang ikaw ang magdesisyon na magtiwala sa Diyos at ibigay ang iyong kalooban sa Kanya. Sa paggawa nito makikita mo ang iyong sarili na mayroong mas mapayapa at panatag na kalooban. Huwag nating hahayaan na ang pag-aalala ng pangkasalukuyang mundong ito ay umukupa ng ating mga isipan at panatilihin tayong malayo sa kapayapaan ng pag-iisip ng Diyos.

Kung hahayaan nating magtanong ang ating isip, sa gayon ay makokontrol nila tayo. Palaging suriin ang iyong mga iniisip at patuloy na nakay Cristo at ang iyong mga kilos ay sasalamin sa Kanya.

Tungkol sa Gabay na ito

Habakkuk's Journey

Ang gabay na ito ay isang paglalakbay sa mahirap na mga panahon kasama si Habakkuk.

More

Nais namin pasalamatan si Tommy L. Camden II para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang mga impormasyon, mangyaring bisitahin ang:http://portcitychurch.org/