Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglalakbay ni HabakkukHalimbawa

Habakkuk's Journey

ARAW 5 NG 6

"Pagtitiwala sa Diyos"

Debosyon:
Bilang mga Cristiano, madalas tayong tumahan sa pag-ibig ng Diyos at tumingin sa kanyang habag. Madalas nating nakakalimutan na sa Kanyang pag-ibig ay mayroon ding poot, subalit ang tanong ay bakit natin ito nakakalimutan? Ang sakripisyo na ginawa Niya para sa atin ay isang dakilang regalo ng pag-ibig na madaling nadaraig ang larawan ng Kanyang poot. Ang isang simpleng katotohanan ay namumukod tangi; ang Diyos ay makatarungang Diyos at hindi Niya ibubuhos ang Kanyang poot sa mundong hindi karapat-dapat at ang Diyos ay hindi natutupok ng galit. Ang Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan ay lubhang dakila na kadalsan ay nagdudulot sa Kanya na gumawa nang labag sa Kanyang gusto.

Minsan ay narinig ko ang isang aplogist na tinanong, "Kung ang Diyos ay mapagmahal, bakit dinadala niya ang mga tao sa impiyerno?" Ang kanyang sagot dito ay nagkaroon ng epektong pagbabago sa paraan ng pag-iisip ko tungkol dito: Kung isasalin ang sipi, "Ang akto ng pagiging nasa impiyerno ay ang mahiwalay sa Diyos at ang Diyos sa katunayan ay nagiging mapagmahal sa pamamagitan ng paggalang sa kalayaan sa pagpili. Kung ang isang tao ay pinili na lumayo sa Kanya sa buhay, hindi Niya sila pipilitin na makasama Niya sa kamatayan.” Ang mga pahiwatig nito ay kahanga-hanga dahil sinabi sa atin ng 2 Pedro 3:9 tells us:

Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Hindi pa niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi niya nais na may mapahamak.

Mga Tanong sa Personal na Pagninilay:
Maglaan ng oras upang mag-isip sa pamamagitan ng mga tanong na ito bago ka magpatuloy. Sagutin ang mga ito nang tapat at detalyado hangga't maaari at maging handa bukas para sa mga kaisipan ng may-akda.

1.Ano ang pangunahing tema ng kabanata?

2. Ano ang kahalagahan ng “selah” at paano tayo tutugon dito?

3. Sa pagbabalik isipan sa pangunahing tema: Ano ang sinisikap na ihatid ni Habakuk sa mambabasa?

4. Paano natin ito dadalhin sa ating kasalukuyang mundo upang magamit sa ating pang-araw-araw na mga buhay?

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Habakkuk's Journey

Ang gabay na ito ay isang paglalakbay sa mahirap na mga panahon kasama si Habakkuk.

More

Nais namin pasalamatan si Tommy L. Camden II para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang mga impormasyon, mangyaring bisitahin ang:http://portcitychurch.org/