Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buhay na May IntegridadHalimbawa

A Life Of Integrity

ARAW 4 NG 4

"Mamili"

Ang integridad ay hindi ang pagdedeklara na tayo ay tapat; ito ay binubuo ng ating mga pagpipili. Pagdating sa integridad, kailangang humanay ang ating mga salita sa ating mga gawa. Hindi sapat na sabihin nating may integridad tayo. Kailangan nating piliin iyon.

Para sa akin, ang pinakamahirap na isyu ng integridad ay salapi. May pangamba ako tungkol sa hinaharap, at ang pangamba na ito ang ilang ulit nang nagsanhi ng pagkompromiso ko ng aking integridad. Noong nasa kolehiyo pa ako, nasabihan akong hindi ko maibabalik ang isang bagong-biling sapatos nang wala ang orihinal na kahon. Kaya... kinuha ko ang isang kahon mula sa istante at ibinalik ang sapatos sa kahon na iyon kahit na ang katumbas nito ay maibabalik sa akin ang higit na salapi kaysa binayad ko. Kaya ko bang ipangatwiran iyon? Siyempre. Ginawa ko ba ba? Oo. Masakit aminin, ngunit kalaunan pinili ko ang panlilinlang at pagnanakaw.

Ang integridad ay mahirap pliin, dahil kinakailangan nating tanggihan ang ating mga makasariling hangarin. Nawawala sa atin ang pagkakataong mapasaatin ang ating mga kagustuhan, kung kailan at paano nating naising makuha. Ang pagtanggi sa ating mga hangarin ay hindi madali, maginhawa, o masaya. Malaking bahagi ito kung bakit napakahirap piliin ang integridad.

May tatlong bagay na makakatulong na piliin ng integridad. Ang una ay piliing isipin na ang anumang makakamit sa sandaling iyon ay panandalian lang mananatili. Ang katotohanan ng Diyos ay pang-habang-buhay. Ang pangalawa ay piliing isipin ang mga konsikuwensiya. Ang konsikuwensiya ng pagbabalik ng mga sapatos na iyon ay higit sa $25. Ang pangatlo ay piliing magbabad sa Salita ng Diyos. Sa pagbabaon ng ating mga puso sa kalaliman ng Salita ng Diyos, magagawa nating mamuhay ayon sa integridad na isinasaad nito.

Ang integridad ay ang piliin ang sinasabi ng Diyos na tama, kahit walang nakakita, at kahit mahirap gawin ito. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na mamuhay nang may integridad, ngunit kapag naunawaan natin ito, hindi na tayo kailangang pilitin. Pinipili natin ito dahil katumbas nito ang ipamuhay ang buhay na nagbibigay-buhay. Hindi ka magsisis sa pagpili ng integridad!
Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

A Life Of Integrity

Sinasabi mo ba ang ibig mong sabihin at tapat ka ba sa iyong sinasabi? Naaayon ba sa iyong mga gawa at salita sa iyong mga sinasabi at paniniwala? Sa kasalukuyang lipunan, mahirap mamuhay nang may integridad. Ang gabay na ito ay makakatulong upang mas masuri mo kung paano magtatag ng buhay na nakasalig sa integridad.

More

Nais naming pasalamatan si Markey Motsinger sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: markeymotsinger.com