Buhay na May IntegridadHalimbawa
"Ang Pagkompromiso ng Ating Integridad"
Ang pagpili sa anupamang katotohanan maliban sa katotohanan ng Diyos ay magdadala ng kompromiso sa ating integridad. Hindi mahalaga kung gaano kaliit ang kompromiso, ito ay pumipinsala pa rin sa ating pusong may integridad. Narito ang problema-ang pagkokompromiso ay nagdadala ng pagbibigay-katwiran, at ang pagbibigay-katwiran ay humahantong sa kalituhan. Ang dating itim at puti ay nalulusaw sa kulay abo, at binibigyang-katwiran natin kung bakit ang katotohanan ng Diyos ay hindi natin kailangang maging gabay sa bawat sitwasyon.
Ang ating mga salita ay isa sa pinakamadaling makompromiso. Sa ating mga salita, dinadagdagan natin ang katotohanan, nagtitsismis, nagsasabi ng mga mumunting kasinungalingan, at nangangako nang higt sa kakayanan natin. At pagkatapos ay nagsisimula ang pagbibigay-katwiran. Ang isang mumunting kasinungalingan ay hindi naman talaga kasinungalingan, tama? Bukod dito, mas mabuti na ito kaysa sa masaktan ang damdamin ng iba. Malaking bagay ba yon kung wala namang nasasaktan? Ang itim at puti ay nalulusaw sa kulay abo.
Maaari rin nating ikompromiso ang ating mga gawain. Kumukuha tayo ng maliliit na bagay nang walang pahintulot, hindi nagtatala kapag lumalabas sa opisina upang mananghalian, o kaya naman ay inaangkin ang karangalan para sa isang bagay na hindi naman natin ginawa. At pagkatapos ay nagsisimula ang pagbibigay-katwiran. Hindi natin nakuha ang nararapat na karangalan noong nakaraan kaya... okay na ito.. Hindi naman nila mapapansin kung may isang mawawala, kaya naman nila iyon. Ang itim at puti ay nalulusaw sa kulay abo.
Sa bawat pagdadahilan, kompromiso, at pagbibigay-katwiran, ang katotohanan ng Diyos ay nabibingkong at ang puwesto nito sa buhay natin ay nababago. Ang Diyos ay tumitingin sa ating puso, hindi sa laki ng ating kompromiso. Walang kulay abo sa Kanyang katotohanan na itim at puti.
Ang pagkokompromiso ay maaaring tila mas madali sa ngayon, ngunit ang katotohanan ng Diyos ang tunay na nagbibigay ng buhay. Kapag ang ating mga salita at pagkilos ay humahanay sa ating pinaniniwalaan, o sinasabing pinaniniwalaan, mas kakaunting panahon at lakas ang iginugugol natin sa pagsisiyasat sa ating sarili at sa pag-aalala na ang ating hindi pagiging totoo ay matutuklasan ng iba. Ang kompromiso at pagbibigay-katwiran ay nagpapalabo sa katotohanan ng hinahangad ng Diyos para sa iyong buhay. Piliin mo ang katotohanan kahit na ito ay nakakaabala at mahirap.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi mo ba ang ibig mong sabihin at tapat ka ba sa iyong sinasabi? Naaayon ba sa iyong mga gawa at salita sa iyong mga sinasabi at paniniwala? Sa kasalukuyang lipunan, mahirap mamuhay nang may integridad. Ang gabay na ito ay makakatulong upang mas masuri mo kung paano magtatag ng buhay na nakasalig sa integridad.
More
Nais naming pasalamatan si Markey Motsinger sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: markeymotsinger.com