Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Buhay na May IntegridadHalimbawa

A Life Of Integrity

ARAW 1 NG 4

"Ano ang Integridad"

Ang integridad ay mahirap tukuyin. Sa diksyunaryo, tinukoy ito bilang "nananatili sa mga prinsipyo ng moral at etika." Sa pang-araw-araw na buhay, ang integridad ay tinukoy bilang tapat at mapagkakatiwalaan. Kung ibabase natin ang integridad sa dalawang kahulugang ito, napupunta tayo sa pamumuhay batay sa moral na katotohanan na ating pinipili at umaasa na makita tayo ng iba bilang mapagkakatiwalaan at tama. Ang parehong mga kahulugan ay tama, gayunpaman, sa parehong oras, hindi sapat. Ang integridad ay higit pa rito.

Ang tunay na integridad ay ito lamang - ang pamumuhay at pagsasalita batay sa kung ano ang sinasabi ng Diyos ay tama. Ang ibig sabihin ng integridad ay binabase ang ating mga salita at mga pagkilos mula sa Kanyang mga prinsipyo at katotohanan. Bakit ito batay sa hanay ng mga prinsipyo ng Diyos? Siya ang may-akda ng lahat ng tama at totoo. Kapag ipinamumuhay natin ang ating buhay na nagsasabing ang Diyos ang ating lumikha, kailangan nating maunawaan na nilikha Niya tayo upang mamuhay batay sa Kanyang mga pamantayan ng katotohanan.

Nilikha Niya tayo upang tanggapin ang ating mga prinsipyo sa moral at etika mula sa Kanya. Anu pa mang lugar makikita natin ang ating mga halaga o katotohanan ay isang opinyon ng tao, at samakatuwid ay hindi tunay na integridad. Ang kanyang katotohanan ay ang tanging bagay na naghahatid satin sa isang buhay ng integridad. Kaya, ang pamumuhay ng may integridad ay nangangahulugan nang pagsasabi ng oo sa kung ano ang sinasabi ng Diyos ay tama at mabuti, kahit na ano pa ang mga kahihinatnan.

Ang integridad ay mas mahalaga kaysa sa mga kayamanan at mas mahalaga kaysa sa ating ginhawa. Ang pagtutukoy at paniniwala na ang Salita ng Diyos ay ang tanging pamantayan upang pag-aralan at pagbuo ng ating mga pangunahing halaga ay ang unang hakbang sa pagbubuo ng integridad. Alamin ngayon upang simulan ang pagbubukas ng iyong puso sa isang paraan ng pamumuhay ng pag-alam kung ano ang integridad at kung saan ito nanggaling.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

A Life Of Integrity

Sinasabi mo ba ang ibig mong sabihin at tapat ka ba sa iyong sinasabi? Naaayon ba sa iyong mga gawa at salita sa iyong mga sinasabi at paniniwala? Sa kasalukuyang lipunan, mahirap mamuhay nang may integridad. Ang gabay na ito ay makakatulong upang mas masuri mo kung paano magtatag ng buhay na nakasalig sa integridad.

More

Nais naming pasalamatan si Markey Motsinger sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: markeymotsinger.com