Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bakal Ang Nagpapatalas sa Kapwa Bakal: Isang Buhay-sa-Buhay na Pagtuturo sa Lumang TipanHalimbawa

Iron Sharpens Iron: Life-to-Life® Mentoring in the Old Testament

ARAW 5 NG 5

Ika-5 araw: Si Mordecai at si Ester

Noong nakaraan ay tiningnan natin ang kuwento nina Noemi at Ruth at nakita kung paano maaaring gampanan ng isang biyenan ang isang mahalagang papel sa paggabay sa kanyang manugang na babae. Dito natin makikita kung paano tayo magagamit ng Diyos para maapektuhan ang buhay ng ibang miyembro ng pamilya para sa kawalang-hanggan, kahit na ang isang batang pinsan (o isang anak na babae) na magkaiba ang sekswalidad 

Si Mordecai ay nanirahan sa Susa, Persia, noong panahon ng pagpapatapon sa bayan ng Diyos. Sinimulan niyang turuan ang kanyang naulilang pinsan, si Ester, na naging parang anak niya. Sa proseso, makikita natin kung paanong siya ang tamang tao na sumama kay Ester sa tamang panahon, at siya ang tamang tao na tumayo sa pagitan ng bayan ng Diyos at ng kanilang mga kalaban “sa panahong tulad nito”! 

Sa sampung kabanata ng aklat ng Ester, makikita natin kung paano umangat sa pagiging reyna ang dalagitang ito. Dahil sa kanyang kabataan at kawalan ng karanasan, at bilang isang bihag na Hebreo, kailangan ni Ester ang patnubay na tanging isang batikang matanda lang ang makapagbibigay. 

Ang pinsan niyang si Mordecai ang siyang gumabay kay Ester, at sa pakikinig niya dito, nagkaroon siya ng pabor sa paningin ng mga nakapaligid sa kanya. Nang magkaroon ng masamang balak na lipulin ang lahat ng mga Judio sa lupain, pinatnubayan ni Mordecai si Ester sa bawat hakbang upang magtiwala sa Diyos at mamagitan para sa bayan ng Diyos. 

Namagitan ang Diyos! Hindi lamang binago ng pagtuturo ni Mordecai ang buhay ni Ester, kundi binago din nito ang isang bansa. Hindi lamang iningatan ng Diyos ang Kanyang bayan, kundi iningatan din Niya ang napipintong pagdating ng Panginoong Jesu-Cristo! 

Ang totoo, hindi natin alam kung ano ang gagawin ng Diyos kapag pinangungunahan at ginagamit Niya tayo para gawin ang Buhay-sa-Buhay na paglalakd kasama ang isang tao. Oo, mahal ng Diyos ang bawat indibidwal at ninanais na makita siyang patuloy na lumalago tungo sa higit na kabanalan. Kasabay nito, tulad ng nakita natin sa lahat ng Buhay-sa-Buhay na relasyon na tinunghayan natin, malinaw na ang Diyos ay palaging gumagawa sa mga kamangha-manghang paraan upang maisakatuparan ang Kanyang mga layunin sa mundong ito—gamit ang mga taong tulad mo at tulad ko sa proseso! 

Nawa'y ang pagbabalik-aral na ito ng pagtuturo sa pamamagitan ng Buhay-sa-Buhay na ugnayan sa Lumang Tipan ay magbigay ng inspirasyon sa iyo na mamuhunan sa mga nasa paligid mo—kung saan ka nakatira, nagtatrabaho, at nagdarasal! 

_____

Nais naming pasalamatan si Dean Ridings, may-akda ng The Pray! Prayer Journal, para sa gabay sa pagbabasang ito.  Mangyaring bisitahin din ang The Navigators.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Iron Sharpens Iron: Life-to-Life® Mentoring in the Old Testament

Inaasam mo ba na "makagawa ng mga alagad na gagawa ng iba pang mga alagad," upang sundin ang utos ni Jesus sa Dakilang Komisyon (Mateo 28: 18-20)? Kung gayon, maaaring natuklasan mo na mahirap makahanap ng mga huwaran para sa prosesong ito. Kaninong halimbawa ang maaari mong sundin? Ano ang hitsura ng paggawa ng mga alagad sa pang-araw-araw na buhay? Tingnan natin ang Lumang Tipan upang makita kung paano namuhunan ang limang kalalakihan at kababaihan sa iba, Life-to-Life®.

More

Nais naming pasalamatan ang The Navigators sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.navigators.org/youversion