Bakal Ang Nagpapatalas sa Kapwa Bakal: Isang Buhay-sa-Buhay na Pagtuturo sa Lumang TipanHalimbawa
Ika-4 na araw: Si David at si Jonathan
Ang pagkakaibigan nina David at Jonatan ay nag-aalok ng isa pang larawan kung ano ang hitsura ng Life-to-Life mentoring.
Si Haring Saul ang unang hari ng Israel, at si Jonathan ang kanyang anak. Sa kabila ng kanyang mababang pinanggalingan, unti-unting binalewala ni Saul ang Diyos at kumilos upang itatag ang kanyang dinastiya. Ang bahagi ng dinastiyang iyon ay nagsisikap na matiyak na balang-araw ay papalitan siya ni Jonatan bilang hari.
Ngunit hindi iyon ang plano ng Diyos. Sa halip, pinangunahan ng Diyos ang propetang si Samuel, na pahiran ang batang pastol na si David bilang kahalili ni Saul. Si David ay isang taong “ayon sa sariling puso ng Diyos.” Nakalulungkot, si Haring Saul ay naging kabaligtaran nito. Kaya naman, dahil sa lubos na paninibugho, walang humpay na hinabol ni Saul si David na may layuning patayin siya at bigyang daan si Jonatan na maupo sa trono at humalili sa kanya bilang hari. (Tingnan ang 1 Samuel 1-31.)
Sa gitna ng lahat ng kaguluhan, isang hindi inaasahan ang nangyari: Sina David at Jonahan ay naging matalik na magkaibigan; "ang kalooban ni Jonatan na anak ni Saul ay napalapit kay David. Napamahal si David kay Jonatan tulad ng pagmamahal nito sa kanyang sarili." Walang kompetisyon, walang pag-aalala na ang isa ay makakaapekto sa pagkakaibigan; ang dalawa ay nagpasyang tulungan ang isa't isa kahit na ano pa ang mangyari.
Nakikita natin ang panawagan para sa gayong magkatuwang na ugnayang kapaki-pakinabang sa buong Biblia. Ito ay makikita sa partikular na dalawang kawikaan: "May pagkakaibigang madaling lumamig, ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid." at, "Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan." (Kawikaan 18: 24; 27:17).
Mula sa pagkakaibigan nina David at Jonatan, nalaman natin ang kahalagahan ng isang taong tunay na “nasa likod mo kahit anong mangyari.” Sa katunayan, gaya ng isinulat ng anak ni David na si Solomon, ang dalawa ay talagang mas mabuti kaysa sa isa (Mangangaral 4:9-12), at kapag kasama ang Diyos sa relasyon, “ang lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot.” (v. 12).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Inaasam mo ba na "makagawa ng mga alagad na gagawa ng iba pang mga alagad," upang sundin ang utos ni Jesus sa Dakilang Komisyon (Mateo 28: 18-20)? Kung gayon, maaaring natuklasan mo na mahirap makahanap ng mga huwaran para sa prosesong ito. Kaninong halimbawa ang maaari mong sundin? Ano ang hitsura ng paggawa ng mga alagad sa pang-araw-araw na buhay? Tingnan natin ang Lumang Tipan upang makita kung paano namuhunan ang limang kalalakihan at kababaihan sa iba, Life-to-Life®.
More