Bakal Ang Nagpapatalas sa Kapwa Bakal: Isang Buhay-sa-Buhay na Pagtuturo sa Lumang TipanHalimbawa
Ika-2 Araw: Si Moises at si Josue
Si Moises ay isang nilalang ng Diyos sa isang mahalagang panahon sa kasaysayan ng bayan ng Diyos. Ginamit siya ng Diyos upang pamunuan ang mga Hebreo palabas ng Egipto at sa huli ay tungo sa pagpasok sa lupang pangako.
Pumili si Moises ng isang dosenang lalaki, na kumakatawan sa 12 tribo ng Israel, upang manmanan ang lupain. Kabilang sa kanila si Josue, anak ni Nun, mula sa lipi ni Ephraim (Mga Bilang 13:16). Siya, kasama ang isa pang miyembro ng labindalawa, si Caleb, ay nagdala ng isang magandang ulat na nagpapakita ng pagtitiwala na, sa tulong ng Diyos, maaari nilang angkinin ang lupang pangako!
Ang kaugnayan ni Moises kay Josue sa buong aklat ng Exodo at Mga Bilang ay nagbibigay-liwanag sa kahalagahan ng pagtuturo ng buhay-sa-buhay at sa iba't ibang henerasyon. (Para sa mas malalim na pagmuni-muni, tingnan ang Exodo 24:13; 32:17; 33:11; at Mga Bilang 11:25-29; 13:1-14:10.)
Sa buong 40-taong paglalakbay ng mga Hebreo sa ilang ng Sinai, ginamit ng Panginoon si Moises para itayo sila bilang isang “FAT” na tao, isang taongF aithful o tapat, Available o handang magpagamit, atTeachable o madaling turuan. Sa paggawa nito, sa pamamagitan ng buhay-sa-buhay na pagtuturo, itinaguyod ni Moises ang susunod na pinuno ng mga Hebreo. Sa huli ay aakayin ni Josue ang bayan ng Diyos sa lupang pangako.
Ano ang matututunan natin sa halimbawa ni Moises? Mapanalanging pag-isipang sumama sa isang nakababatang tao sa iyong saklaw ng impluwensya. Tulad ng ipinakita ng Diyos kay Moises na isang taong nanatiling malapit sa Diyos at malapit sa kanya, marahil ay magpapakita sa iyo ang Diyos ng isang katulad na "FAT" na tao. Sino ang mga lalaki at babae ng Diyos sa hinaharap? Marahil ay gagamitin ka ng Diyos para magtaguyod ng magiging pinuno ng pamilya, mga kaibigan, o maging ng ministeryo sa simbahan!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Inaasam mo ba na "makagawa ng mga alagad na gagawa ng iba pang mga alagad," upang sundin ang utos ni Jesus sa Dakilang Komisyon (Mateo 28: 18-20)? Kung gayon, maaaring natuklasan mo na mahirap makahanap ng mga huwaran para sa prosesong ito. Kaninong halimbawa ang maaari mong sundin? Ano ang hitsura ng paggawa ng mga alagad sa pang-araw-araw na buhay? Tingnan natin ang Lumang Tipan upang makita kung paano namuhunan ang limang kalalakihan at kababaihan sa iba, Life-to-Life®.
More