Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang U-Turn Mula sa AdiksyonHalimbawa

A U-Turn From Addiction

ARAW 3 NG 3

Kapag pinahintulutan mong mangibabaw ang Espiritu sa iyong kaisipan gamit ang mga katotohanan ng Salita ng Diyos, mabubuhay ka nang malaya. Gaya ng sinabi ni Jesus, “makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32). Ang salitang "kilala" ay tumutukoy sa higit pa sa isang nagbibigay-malay sa isang bagay. Nangangahulugan ito nang lubhang kumbinsidong nang walang anumang alinlangan. "Alam mo na alam mo" ito ay totoo. Ito ay isang katotohanan na sumasalamin sa kaibuturan ng kung sino ka. Iyan ang ibig sabihin ng malaman ang katotohanan at mapalaya. 

Ang uri ng “pagkilala” na binanggit ni Jesus na magpapalaya sa iyo ay isang pagkilala na tunay kilala. Hindi ito panghuhula. Hindi ito pag-aasa. Hindi ito pagsusubok. Alam mo na alam mo dahil totoong naranasan mo ito. 

Ngunit sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, hindi natin laging nararanasan ang hindi maikakaila na patunay bago ang pananampalatayang kinakailangan upang maisagawa ang gawain ng katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit napakabigat ng pananampalataya sa Salita ng Diyos at napakahalaga sa proseso ng pagdaig sa anumang nakahumaling pag-uugali. Kailangan mo munang paniwalaan na ang Salita ng Diyos ay katotohanan, pagkatapos ay ilapat ang Kanyang Salita sa iyong sitwasyon bilang katotohanan para ito ay umantig at magawa nito ang mapagpalayang gawain nito sa iyong buhay. Tutulungan ka ng katotohanan na mapagtagumpayan ang iyong mga kuta, ngunit kapag itinuring mo ito bilang katotohanan. Dapat mong ihanay ang iyong isip, kilos, puso at kalooban sa Kanyang Salita at ang Kanyang tuntunin hinggil sa anumang sitwasyon o paraan ng pag-iisip na iyong kinakaharap upang palayain ka nito. 

Ano ang nalalaman mo mula sa Salita ng Diyos na tutulong sa iyo na makahanap ng kalayaan mula sa mga adiksyon?

Kami ay umaasang nahikayat ka ng babasahing-gabay ito. Para sa karagdarang kaalaman tungkol sa paggawa ng U-Turn sa iyong buhay, i-click dito. 

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

A U-Turn From Addiction

Kung ang buhay mo ay hindi alinsunod sa salita ng Diyos, tiyak na makakaranas ka ng mga masasakit na bunga nito. Marami ang nahirapan sa kanilang kalusugan, nawalan ng trabaho, at mga relasyon, at nakaramdam ng pagkalayo sa Diyos dahil sa adiksyon. Maging ito ay seryosong adiksyon tulad ng ipinagbabawal na gamot o pornograpiya o hindi gaanong seryoso tulad ng pagkain o libangan, ang mga adiksyon ay nakakagambala sa ating buhay. Hayaang ipakita ng sikat na manunulat na si Tony Evans ang landas patungo sa kalayaan.

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/