Isang U-Turn Mula sa AdiksyonHalimbawa
Marami sa mga anak ng Diyos ay mga espiritwal na Bihag ng Digmaan. Sila ay nakakulong sa isang siklo ng kasalanan na hindi nila malabasan. Maging ito ay pagkalulong sa alak, materiyalismo, kapaitan, inggit, labis na pagkain, awa sa sarili, pornograpiya, bawal na gamot, paglalaro, kalapastanganan, social media, negatibong pakikipag-uusap sa sarili, galit, sama ng loob- ang mga emosyonal o kemikal na adiksyon ay nagkukulong sa maraming tao ngayon.
Ang termino sa Biblia para sa kilala natin ngayon na adiksiyon ay muog. Ang adiksyon, o mas tumpak na tawaging—espiritwal na muog, ay isang matibay na disenyo ng negatibong pag-iisip at gawain na nakakatatak sa ating isip. Naniniwala tayo at kumikilos na para bang ang ating sitwasyon ay hindi na mababago, kahit na ito ay labag sa kagustuhan ng Diyos. Ang kasalanan ay naging alipin-panginoon na naghahari sa ating isipan, desisyon at kilos.
Ang unang hakbang upang matalikuran ang adiksyon ay ang kagustuhang makalaya rito. Tinanong ni Jesus ang mga tao kung nais ba nilang maging buo (Juan 5:6). Kung ang tao ay nakagapos at nais manatiling nakagapos, walang maaring magawa ang sinuman upang sila ay maakay sa tamang landas. Ang kalayaan mula sa mga adiksyon ay dapat magmula sa sarili. Kung makita mo ang iyong sarili na nakakulong sa adiksyon at naiimpluwensyahan ng negatibong pag-iisip, ito'y tila isang ahas na nakapulupot sa iyong isip.
Panahon na upang pumili ng bagong landas patungo sa kalayaan. Ang kalayaan ay nagsisimula sa pagpili na alisin ang iyong sarili sa kasalukuyang landas at magtungo sa ibang direksiyon.
Ikaw ba ay tunay na handa nang mamaalam sa iyong adiksyon at palayain ni Jesus?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kung ang buhay mo ay hindi alinsunod sa salita ng Diyos, tiyak na makakaranas ka ng mga masasakit na bunga nito. Marami ang nahirapan sa kanilang kalusugan, nawalan ng trabaho, at mga relasyon, at nakaramdam ng pagkalayo sa Diyos dahil sa adiksyon. Maging ito ay seryosong adiksyon tulad ng ipinagbabawal na gamot o pornograpiya o hindi gaanong seryoso tulad ng pagkain o libangan, ang mga adiksyon ay nakakagambala sa ating buhay. Hayaang ipakita ng sikat na manunulat na si Tony Evans ang landas patungo sa kalayaan.
More