Isang U-Turn Mula sa AdiksyonHalimbawa

Isa sa mga dahilan kung bakit nananatili ang mga tao sa mga adiksiyon ay dahil ibinabatay nila ang takbo ng kanilang pag-iisip sa mga kasinungalingan. Ang isang napakalaking kasinungalingan na nag-papalala sa adiksiyon ay na maaari mong ayusin ang laman gamit ang laman. Ngunit sinabi sa atin ni Pablo sa 2 Mga Taga-Corinto 10; hindi tayo nakikidigma ayon sa laman. Ang laman ay hindi kayang ayusin ang laman. Oo, maaari mong subukang pamahalaan ito, at maaaring gumana ito nang ilang panahon. Ngunit hinding-hindi mo maaayos ang problema ng kasalanan sa iyong makasalanang laman bilang lunas. Ang dapat mong gawin unang-una ay magtungo sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Ang Kanyang katotohanan ang magpapalaya sa iyo. Ang Kanyang katotohanan ang babasag at magbibigay ng buhay. Ang Kanyang katotohanan ay nagbubunyag ng mga kasinungalingan na nagpatali sa iyo sa pagdurusa at nagpanatili sa iyo sa iyong kasalanan at sa mga kahihinatnan nito.
Ang paghangad na palayain ang iyong sarili mula sa tanggulan ng kasalanan sa pamamagitan ng sarili mong pagsisikap ay maihahambing sa iyong lola na naghahangad na malinis ng mga damit gamit ang tabla. Aabutin ng mga araw upang gawin ito, at gayunpaman, ang mga damit ay hindi gaanong malinis kahit anong pagsisikap. Ang mga damit ay magiging manipis habang ang iyong lola ay pagod, masakit ang katawan, at bigo. Ang Diyos ay nagbigay ng solusyon sa ating kasalanan sa pamamagitan ng paghuhugas ng kaligtasan na ibinigay sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Ang sakripisyo ni Jesus ay nagbibigay sa atin ng daan sa kapangyarihan ng Espiritu. Ang Espiritu ay nagbibigay-daan sa atin na makilala at matanggap ang katotohanan (Juan 16:7-11). Tinutulungan tayo ng Espiritu na gawin ang sinabi ni Jesus na gawin natin sa Juan 8, na “magpatuloy sa Aking salita.” Ang katagang "magpatuloy" ay nangangahulugang mamalagi, manatili—tumahan. Dapat kang manatili sa katotohanan, hindi lamang dalawin ito.
Gaano katagumpay ang iyong mga sariling pagsisikap upang pagtagumpayan ang iyong adiksiyon? Ano ang mas mahusay na paraan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kung ang buhay mo ay hindi alinsunod sa salita ng Diyos, tiyak na makakaranas ka ng mga masasakit na bunga nito. Marami ang nahirapan sa kanilang kalusugan, nawalan ng trabaho, at mga relasyon, at nakaramdam ng pagkalayo sa Diyos dahil sa adiksyon. Maging ito ay seryosong adiksyon tulad ng ipinagbabawal na gamot o pornograpiya o hindi gaanong seryoso tulad ng pagkain o libangan, ang mga adiksyon ay nakakagambala sa ating buhay. Hayaang ipakita ng sikat na manunulat na si Tony Evans ang landas patungo sa kalayaan.
More