Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lahat ng Kailangan KoHalimbawa

Everything I Need

ARAW 1 NG 3

Lahat ng Pangangailangan Ko: Ang Aking Bahagi


“Bakit ba ako panghihinaan ng loob, bakit kailangang dumating ang mga anino,
Bakit kailangang maging malungkot ang aking puso, at manabik sa langit at tahanan;
Kung si Jesus ang aking tanging kailangan, ang matapat kong Kaibigan.
Ang Kanyang mata ay nakatingin sa maya, at alam kong binabantayan Niya ako.
Umaawit ako dahil ako ay masaya, at umaawit ako dahil ako ay malaya.
Ang Kanyang mata ay nakatingin sa maya, at alam kong minamahal Niya ako.”
-Civilla D. Martin, 1905


Hindi ko alam sa iyo, pero ang salitang bahagi ay tuluyan nang nasira para sa aking ng iba't ibang patalastas ng Weight Watcher na nagpaikot-ikot sa mga dekada. Bahagi = pagkain. Bahagi = diyeta. Ang bahagi ay nagdadala sa akin sa isang buhay ng maliliit na pagkagat, ng pagkakait. Nangangahulugan ito ng paghihigpit, pagtanggi sa sarili ng kasiyahan na bigay ng pinagpalang mangkok ng sorbetes, o ang paghinto nang wala sa panahon pagkatapos pagbigyan ang isang kagat ng napakasarap na chocolate lava cake. Ang bahagi ay nangangahulugan ng mas maliit na piraso ng bagay na aking hinahangad. Ibig sabihin nito ay ang paghinto bago ko pa makuha kung ano talaga ang gusto ko, at sa huli ay hindi ako makukuntento. 

Kapag sinabi ko ang “bahagi,” sabihin mong…  Kontrol!

Iniisip ko kung ganyan din ba ang iniisip ni Civilla Martin tungkol sa salitang bahagi nang isinulat niya ang napakagandang liriko ng kanta tungkol sa isang Cristianong mag-asawa na habang puno ng pagdurusa sa katawan na naglilimita sa kanilang mga buhay, ay namuhay nang maligaya na puno nang pananampalataya? (Tingnan ang kwento ng kanta para sa isang kawili-wiling pinagmulan nito!) Sigurado ako na hindi niya iniisip ang limitasyon tulad ng ating paghihigpit sa asukal o carbs sa panahon natin ngayon. Ang mga nauusong diyeta at pag-iisip sa pagkokontrol ng pagkain ay isang panibagong takbo sa ating kultura ng pagkakaroon ng sobra-sobra at ng kalayawan.  

Sa simula ng ika-20 na siglo, ang Cheetos at Cinnabon ay wala pa. Hindi pa mabilis ang pagkain, at ang pagluluto ng apple pie ay mas mahirap pa kaysa sa pagbubukas ng kahon ng Pillsbury pie crust, paggulong ng premade crust, at paggugupit ng maliliit na mga hugis sa perpektong pinatag at bilog na crust na dahan-dahang ilalagay sa ibabaw. Sa mata ng aking isipan, ang isang apple pie na gawa sa bahay noong taong 1905 ay tiyak na higit na pinahahalagahang premyo na ninanamnam kasama ng pamilya at mga kaibigan nang sama-sama sa isang mesa kumpara sa ating pagkain nito sa kasalukuyang panahon. Kung tutuusin nga naman, maaari lang tayong tumakbo agad sa isang groseri at pumili ng isa sa loob nang wala pang 30 minuto!

Ang salitang bahagi ay talagang nangangahulugan ng isang sukat. Isang perpektong sukat, hindi ang nagkukulang na sukatan. Isang sukat na tanging atin… at hindi kaninuman. Ito ang eksaktong halaga ng isang bagay na kailangan natin. Ang isang karaniwang kahulugan ng bahagi (bilang isang pangngalan) ay “ang parte o bahagi ng isang tao sa isang bagay: tulad ng isang bahagi na natanggap sa pamamagitan ng isang regalo o pagmamana.”

Isang regalo, isang pagmamana- isang bagay na hindi natin kayang kitain, ngunit isang karangalan na ating matatanggap sa pamamagitan ng pag-aampon sa atin sa pamilya ng Diyos bilang mga anak. Si Jesus ang ating bahagi. Ang ating bahagi ng kabutihan. Ang ating pagmamana sa pamilya kasama ang pribilehiyo at posisyon bilang mga anak

Sinasabi sa Mga Awit 16:5 [RTVP05] na, “Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay.” May maganda tayong pamana dahil mabuti ang Diyos. Tayo ay may bahagi, isang perpektong sukat na ibinigay sa atin upang panatilihin tayong ligtas, na nagtataguyod sa atin, na nagbibigay-daan sa atin upang lumipad sa ibabaw ng bagyo at lumaban sa mga pakikibaka sa pamamagitan ng Kanyang patuloy na katapatan at lakas. Ang Kanyang bahagi at sukat para sa atin ay isang perpektong regalo na lubhang kailangan natin sa buhay na ito.  


Pagninilay:

  • Sa tuwing iniisip mo ang salitang bahagi, iniisip mo ba ang pagkakaroon ng kasapatan ng isang bagay, o ang pagkukulang nito? Busog ka na ba ngayon? Bakit oo o bakit hindi? (Alam mong hindi tungkol sa pagkain ang sinasabi ko sa puntong ito!)
  • Naitanong mo na ba sa Diyos kung ano ang iyong natatangi at nasusukat na bahagi sa sandaling ito? Kung hindi, maglaan ng ilang sandali upang tanungin Siya. Hilingin sa Kanya na ihayag ang anumang bagay na humahadlang sa iyong makuha ang bahaging iyon. Maging masigla. Ang Diyos ay tapat!
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Everything I Need

Nauna na ang Diyos sa atin at iniingatan Niya tayo mula sa ating likuran. Natapos na Niya ang ating mga pakikibaka. Nasakop na Niya ang mga hindi natin nakikita. Hindi Siya nagugulat sa mga hindi inaasahan. Ang 3-araw na debosyonal na ito ay makapaghihikayat sa iyo sa katotohanang ang Diyos ang tagapagbigay ng hustong dami, hustong sukat, para sa buhay mo.

More

Nais naming pasalamatan si Holly Magnuson sa pagpapaunlak ng Gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.hollymagnusonco.com