Lahat ng Kailangan KoHalimbawa
Wala nang mas hihigit pa sa bahaging inilaan Niya para sa buhay mo, dahil ang bahaging itinalaga sa iyo ng Diyos ay para sa iyo at sa iyo lamang. Ang iyong bahagi ay magbibigay ng kagalingan at kasaganaan para sa iyo, pero maaaring hindi para sa kapit-bahay mo. Gayundin naman, ang bahaging para sa iyong kapit-bahay ay hindi kailangang pareho sa pagkakagawa at modelong kinakailangan mo. Doon sa isinukat at perpektong bahagi ng Diyos para sa iyo ka lubos na nagigising at tunay ngang nagkakaroon ng buhay.
Nais ng Diyos na ibigay sa iyo ang Kanyang bahagi para sa buhay mo. Hindi Siya nagkakait ng mabubuting kaloob, ang nais Niya ay ang gawin itong perpekto. Kapag humingi ka sa Kanya ng tinapay, hindi ka Niya bibigyan ng bato… kaya humingi ka! Hindi na Siya makahintay na tamasahin mo ang bahaging para sa iyo, ang sukat, na tunay ngang napakaganda at tanging sa iyo lamang.
Ngunit huwag kang hihingi na may iniisip kung ano ang bahaging dapat ay para sa iyo.
Natatagpuan nating lubos ang ating pagkabigo kapag nauuna tayo sa Diyos at gumagawa ng sarili nating mga pangarap at hangarin na hindi nakahanay ayon sa layunin ng Diyos.
Tandaan sa araw na ito na Siya ang IYONG bahagi, na mayroon Siyang maingat na sinukat na kaloob at pinaghirapang bilhin para sa iyo. Nagpagal Siya para sa iyo. Nagtiis Siya para sa iyo. Umagos ang dugo Niya para sa iyo. Namatay Siya para sa iyo. Ngunit ang pinakamahalaga, hindi lang Niya kinuha ang mga pakikibaka mo at inilagay ang mga ito sa Kanyang balikat, ginapi Niya ang bawat isa at ang lahat ng bagay na naging banta sa iyong pagkakaroon ng buhay na may kaganapan.
Ang Diyos ang lahat ng kailangan mo. Kahapon, ngayon, at magpakailanman.
At ang lahat nang usapang ito tungkol sa bahagi ay nagpagutom sa akin. Kukuha muna ako ng biskuwit.
Pagninilay:
- Ano ang pagkakaiba ng gustuhin ang isang bagay at ang kailanganin ang isang bagay? Iniisip ko ito na parang isang chocolate cake. Gusto ko ito sa tuwina, pero maaaring hindi ko naman ito kakailanganin kahit kailan. Naniniwala ka bang ang bahaging ibinibigay sa iyo ng Diyos ay mas madalas na nakasalalay sa iyong gusto o sa iyong kailangan?Basahin ang Mateo 6:26-33. Anong sinasabi sa iyo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita sa mga talatang ito?
- Madalas na ang pagkabatid sa bahaging ibinibigay ng Diyos ay nangangailangan ng paglapit sa Kanya, pagbabasa ng Kanyang Salita at paghahanap sa Kanyang presensya. Paano mo ito ginagawa ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nauna na ang Diyos sa atin at iniingatan Niya tayo mula sa ating likuran. Natapos na Niya ang ating mga pakikibaka. Nasakop na Niya ang mga hindi natin nakikita. Hindi Siya nagugulat sa mga hindi inaasahan. Ang 3-araw na debosyonal na ito ay makapaghihikayat sa iyo sa katotohanang ang Diyos ang tagapagbigay ng hustong dami, hustong sukat, para sa buhay mo.
More